Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Masinsinang Paglilinis: Pag-aalis ng Hiya, Nakakalasong Mga Impluwensya, at Hindi PagpapatawadHalimbawa

Deep Clean: Getting Rid of Shame, Toxic Influences, and Unforgiveness

ARAW 6 NG 7

Masinsinang Paglilinis ng Ating Nakaraan

Mahirap ang hingin sa Banal na Espiritu na linisin tayo, dahil katumbas ito ng pag-amin ng ating pagiging sira. Madalas, mas nais nating itago ang ating mga pagkakamali o tulungan ang ating mga sariling lumapit kay Jesus. Ngunit ang Magandang Balita ay hindi tungkol sa paghila sa ating sarili paakyat sa kinalalagyan ng Diyos. Ito'y tungkol sa pagpapadala ng Diyos ng Kanyang Anak pababa sa ating kinalalagyan. 

Hindi ka kailangang maparalisa ng iyong nakaraan. Hindi mga kamalian mo ang nagtatakda ng kung sino ka. Ang iyong pagiging sira ay hindi sobrang laki para sa Diyos na nagpapagalaw ng mga bituin. 

Paminsan, ang pinakapuno-ng-pananampalatayang bagay na magagawa natin ay ang lumapit sa Diyos habang nasa kalagitnaan ng ating gulo, aminadong masyadong malaki ito para kayanin nating ayusin.

Isang napakahusay na halimbawa nito ay nasa Mateo 9. Isang babaing 12 taon nang dinudugo ang lumapit kay Jesus, alam na kung mahawakan lang niya ang laylayan ng Kanyang damit, siya'y mapapagaling, magiging buo, at maibabalik sa dati. 

Ang babaing ito ay maituturing na hindi malinis ayon sa Kautusan, na ang ibig sabihin ay mahigit na siya sa isang dekadang pinagtatabuyan ng mga tao. Naiisip-isip mo ba kung anong uri ng pananampalataya ang kinailangan niya upang ipagtulakan ang sarili sa napakaraming taong nagsasabing hindi siya karapat-dapat makalapit sa Tagapligtas? 

Batid niyang kailangan niya ng tulong, at nakita niya ang Tumutulong. At ang sunod na mangyayari ay paalala sa ating lahat: 

Lumingon si Jesus at pagkakita sa kanya'y sinabi, “Anak, lakasan mo ang iyong loob! Pinagaling ka ng iyong pananampalataya.” Noon di'y gumaling ang babae. Mateo 9:22 RTPV05

Pinagaling siya ng kanyang pananampalataya. Hindi ng kanyang pagsisikap, mabubuting gawa, mga tagumpay, o angking katalinuhan. Kanyang pananampalataya. 

Ang totoo nito, wala sa ating masinsinang makakapaglinis ng ating sarili. Ang gulo sa buhay natin ay paalalang kailangan natin ng Tagapagligtas, at ang pangalan Niya ay Jesus. 

Manalangin: O Diyos, lumalapit ako sa Iyo ngayon na damang-dama ang bigat ng aking mga pagkakamali. Alisin ang aking pagkabagabag dahil sa kasalanan at hiya, at paalalahanan ako ng Iyong pagmamahal, pagpapatawad, at habag. Tulungan akong madagdagan ang pananampalataya sa puso ko, at palakasin ang aking pananampalataya upang mapaglingkuran Kita. Sa pangalan ni Jesus, amen. 

Tungkol sa Gabay na ito

Deep Clean: Getting Rid of Shame, Toxic Influences, and Unforgiveness

Ano kaya kung hindi nating kailangang maghintay hanggang maging desperado bago ayusin ang mga nasira sa ating buhay? Tulad ng paggugol natin sa paglilinis ng ating mga tahanan, oras nang imbitahan ang Banal na Espiritu na linisang masinsinan ang ating mga puso. Sa 7-araw na gabay na ito, matutuklasan natin kung paanong bitawan ang mga bagaheng emosyonal na umaantala at nagpapabigat sa ating buhay.

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang https://www.life.church/