Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Masinsinang Paglilinis: Pag-aalis ng Hiya, Nakakalasong Mga Impluwensya, at Hindi PagpapatawadHalimbawa

Deep Clean: Getting Rid of Shame, Toxic Influences, and Unforgiveness

ARAW 4 NG 7

Masinsinang Paglilinis ng Mga Nakakalasong Relasyon 

Marami sa atin ang nahihirapan sa tensyon ng pagmamahal sa iba habang nagtatalaga ng mga limitasyon para sa ating mga sarili. E paano naman kung hindi naman magkasalungat ang mga ito? Paano naman kung ang pinakamapagmahal na maaari mong gawin ay ang pagtatalaga ng mga limitasyon? 

Ang punto ay, ang ating mga pagkakaibigan ay makahulugan. Madalas na nasasabi ni Pastor Craig Groeschel ang, “Ipakita mo sa akin ang iyong mga kaibigan, at ipapakita ko sa iyo ang iyong kinabukasan.” 

Pinaaalalahanan tayo ng Mga Kawikaan 13:20 RTPV05: 

Ang nakikisama sa may unawa ay magiging matalino, ngunit ang kasama ng mangmang ay masusuong sa gulo.  

Kung ang iyong kinabukasan ay naiimpluwensyahan ng iyong mga pinakamalalapit na kaibigan, gusto mo ba ang direksyong pinatutunguhan ng iyong buahy? 

Malaking katanungan ito, ngunit isang mahalagang palaging itanong sa iyong sarili. Okay lang—at tayo ay hinihikayat—na limitahan ang mga nakakalasong relasyon. Hindi ibig sabihin nitong hindi natin mamahalin ang iba o na hindi tayo maaaring magkaroon ng mga kaibigang hindi Cristiano.

Ang ibig sabihin nito ay magtalaga tayo ng mga limitasyon sa ating mga relasyon at na ang ating pinakamalalapit na kaibigan ay dapat iyong mga naghihikayat sa atin sa pagmamahal sa kapwa, sa paggawa ng mabuti at pagiging maka-Diyos. 

Minodelo ito ni Jesus para sa atin noong ministeryo Niya dito sa mundo. Sa Mateo 12, kasama Niya ang Kanyang mga alagad, at ilang mga Pariseo ang bumabatikos sa Kanyang pagkatao, Kanyang mga motibo, at Kanyang mga kaibigan. Ilang katanungan ang itinanong ni Jesus sa kanila upang matulungan silang makita kung ano ang tama. 

Pagkatapos, nagpagaling Siya ng isang lalaki sa Araw ng Pamamahinga, at nagalit ang mga Pariseo dahil dito. Sa katunayan, sinasabi sa atin sa bersikulo 14 na sa pagkakataong ito, nag-usap-usap sila sa kung paano nila Siya maipapapatay 

Ano ang tugon ni Jesus? 

Hindi na Siya tumagal doon para kumbinsihin silang sila ay mali. Hindi na Siya patuloy na nagtanong upang makita nila ang katwiran. Heto ang Kanyang ginawa: 

Nang malaman ito ni Jesus, umalis siya sa lugar na iyon. Maraming tao ang sumunod sa kanya, at pinagaling niya ang lahat ng maysakit. Mateo 12:15 RTPV05

Umalis si Jesus. Nagtalaga Siya ng limitasyon, at pinanindigan Niya ito. Alam Niyang ang pagtatagal pa roon ay ikagagalit lang ng mga Pariseo at hahadlang sa Kanyang isabuhay ang Kanyang layinin. Kaya't nagpatuloy na Siya kasama ng Kanyang mga alagad at nagpatuloy sa pagpapagaling ng mga tao. 

Maaari nating sundin ang Kanyang halimbawa. Igugol natin ang ating lakas sa pagsisikap na mahalin ang iba, pagmalasakitan ang iba at pagbabahagi sa iba patungkol kay Jesus. Ngunit kapag ang pagsisikap na iyan ay sinalubong ng mga pusong sarado at hayagang pagkapoot, umalis na lang tayo at magpatuloy sa ating ginagawa. 

Magpatuloy tayo sa pagbabahagi ng pagmamahal ng Diyos. Magpatuloy tayo sa paggawa ng gawain ng Diyos. Magpatuloy tayo sa paggawa ng mabuti. 

Okey lang ang limitahan ang mga relasyon na naglilimita sa iyo. Bagamat hinahamon tayong ibigin ang ating mga kaaway at ipanalangin ang mga umuusig sa atin, at lumakad ng isa pang milya para sa iba, hinihikayat din tayong huwag ihagis ang ating mga perlas sa mga baboy—na ang ibig sabihin ay hindi natin dapat igugol ang lahat ng ating lakas sa mga ayaw naman talagang tanggapin ang ating pagmamahal. 

Kaya't, ngayon, pag-isipan ang anumang mga relasyon na kailangan mong masinsinang linisin. Pagkatapos, gumugol ng panahon sa pananalangin tungkol sa pagtatalaga ng mga mapagmahal na limitasyon. 

Manalangin: O Diyos, salamat sa Iyong katotohanan. Ipakita sa akin ang anumang mga relasyon sa aking buhay na kailangan kong magtalaga ng mga limitasyon, at bigyan ako ng karunungan upang malaman kung ano dapat ang mga limitasyon na iyon at lakas ng loob na panindigan ang mga ito. Tulungan akong maging mas mabuting kaibigan sa mga taong nakakasama ko, at ipakita sa akin kung sa aling mga relasyon marapat na igugol ang aking lakas. Sa pangalan ni Jesus, amen. 

Tungkol sa Gabay na ito

Deep Clean: Getting Rid of Shame, Toxic Influences, and Unforgiveness

Ano kaya kung hindi nating kailangang maghintay hanggang maging desperado bago ayusin ang mga nasira sa ating buhay? Tulad ng paggugol natin sa paglilinis ng ating mga tahanan, oras nang imbitahan ang Banal na Espiritu na linisang masinsinan ang ating mga puso. Sa 7-araw na gabay na ito, matutuklasan natin kung paanong bitawan ang mga bagaheng emosyonal na umaantala at nagpapabigat sa ating buhay.

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang https://www.life.church/