Masinsinang Paglilinis: Pag-aalis ng Hiya, Nakakalasong Mga Impluwensya, at Hindi PagpapatawadHalimbawa

Masinsinang Paglilinis ng Mga Nakakalasong Impluwensya
Napansin mo ba kung paanong bigla kang naaburido matapos umubos ng mahabang oras sa pagbabasa ng balita? Kumukulo ba ang dugo mo matapos mag-iskrol sa social media, makakita ng mga maling impormasyon at maraming mga argumento na tiyak kasunod sa mga komento? Napansin mo ba ang sarili mong nagiging mas diskumpyado, kritikal, o magaspang sa iyong pakikipag-usap matapos mong makinig sa mga partikular na musika, manood ng mga partikular na palabas, o sumunod sa mga partikular na account sa social media?
Bagamat walang masama sa pagiging maalam, sa panonood ng mga nakakalibang na palabas, at paggugol ng oras sa social media, katalinuhang ituturing ang suriin kung paano tayo naaapektuhan ng mga impluwensyang iyon. Kung napapansin nating tayo ay nagiging aburido, dismayado, at diskumpyado imbes na nagagalak, payapa, at mahinahon, maaaring may problema tayo.
Hindi ito bago o kakaibang pangyayari. Pinag-usapan ito ni Jesus noong nasa mundo Siya, nagbabala sa Kanyang mga alagad na pag-ingatang ang mga nakakalasong impluwensya ay hindi nila payagang mag-ugat sa kanilang mga puso.
Sa Mateo 16, si Jesus at ang Kanyang mga alagad ay patungo sa kabilang ibayo ng lawa. Sa puntong ito, nagawa na ni Jesus ang magpakain sa 5,000 at sa 4,000, at ang mga alagad ay taranta naman dahil nakalimutan nilang magdala ng tinapay. Nakakapagtaka ang tugon ni Jesus sa kanila:
“… mag-ingat kayo sa pampaalsang ginagamit ng mga Pariseo at mga Saduseo!” Mateo 16:11 RTPV05
Alam ni Jesus na malayo ang mararating ng kaunting impluwensya. Bago noon, kapwa mga Pariseo at mga Saduseo ang nagtangkang siraan ang pananampalataya kay Jesus sa pamamagitan ng pagbibitag sa Kanyang magsabi ng bagay na magbibigay-alinlangan sa Kanyang ministeryo. Nagbabala si Jesus sa Kanyang mga alagad na huwag payagan ang kaparehong uri ng pagkadiskumpyado at pagdududa na magpadungis sa kanilang mga isipan.
Tulad ng paglilimita ng mga alagad ng impluwensya ng mga Pariseo, kailangan din nating limitahan ang mga impluwensyang pinapayagan natin. Ang mga tila wala naman kabagay-kabay o hindi mahalaga ay maaaring, sa pagdaan ng panahon, magsimulang sumira ng ating pagkatao at lumason ng ating mga kaluluwa.
Si Jesus ay seryoso tungkol sa pag-iingat ng ating mga sarili laban sa kasalanan. Sa Kanyang tanyag na Sermon sa Bundok, sinabi Niya na kung ang iyong kanang kamay ay nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, putulin ito. Bagamat hindi nating kailangang literal na magputol ng mga bahagi ng katawan, kailangan nating putulin ang anuman sa ating buhay na nagdadala sa atin sa kasalanan o nagiging sanhing matisod tayo.
Hindi ibig sabihin nitong kailangan nating putulin ang lahat ng impluwensya, makinig lang sa musikang Cristiano, o mag-follow lang sa mga Cristiano online. Ngunit, ito ay nangangahulugang kailangan nating gumugol ng panahong manalangin patungkol sa kung anong mga impluwensya ang pinakamagandang pamumuhunan para sa atin at paghingi sa Banal na Espiritu na tulungan tayong masinsinang linisin ang anumang pinapayagan natin na dahan-dahang sumisira sa ating pagkatao.
At hindi lang ito tungkol sa pag-aalis ng mga nakakalason. Ito ay tungkol din sa pagpapalit sa masasamang impluwensya ng mga mabubuting impluwensya—mga bagay na totoo, matuwid, marangal, at kagalang-galang. At sa pagsasagawa ng pagbabagong ito, malamang na mas masumpungan mo ang kapayapaan ng Diyos.
Manalangin: O Diyos, nais kong mabigyan Ka ng kaluguran sa bawat bahagi ng buhay ko, maging sa mga boses na pinakikinggan ko. Bigyan ako ng karunungan patungkol sa anumang masasamang impluwensya na kailangan kong putulin at ipakita kung paano Kita mapaparangalan sa paggamit ng oras ko. Tulungan akong ituon ang aking isipan sa mga bagay na totoo, matuwid, marangal, at kagalang-galang. Sa pangalan ni Jesus, amen.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ano kaya kung hindi nating kailangang maghintay hanggang maging desperado bago ayusin ang mga nasira sa ating buhay? Tulad ng paggugol natin sa paglilinis ng ating mga tahanan, oras nang imbitahan ang Banal na Espiritu na linisang masinsinan ang ating mga puso. Sa 7-araw na gabay na ito, matutuklasan natin kung paanong bitawan ang mga bagaheng emosyonal na umaantala at nagpapabigat sa ating buhay.
More
Mga Kaugnay na Gabay

BibleProject | Mga Sulat ni Juan

Nilikha Tayo in His Image

BibleProject | Mga Sulat ni Pablo

BibleProject | Maikling Kurso tungkol kay Apostol Pablo

Mag One-on-One with God

BibleProject | Walang-Hanggang Pag-ibig ng Diyos

Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa Panalangin

BibleProject | Bagong Kasunduan, Bagong Karunungan
