Masinsinang Paglilinis: Pag-aalis ng Hiya, Nakakalasong Mga Impluwensya, at Hindi PagpapatawadHalimbawa

Masinsinang Paglilinis ng Ating Hiya
Ano kaya ang mangyayari sa buhay mo kung hindi ka kailanman nakaramdam ng hiya? Isipin kung hindi ka kailanman nakakaramdam na hindi ka karapat-dapat, hindi sapat, o na kailangan mong patunayan ang iyong sarili. Anong uri ng mga pagsasapalaran ang susuungin mo kung walang hiya na hahadlang sa'yo?
Nakakalungkot lang nga, sira ang mundong kinakalagyan natin, at pamilyar tayo sa hiya. Ang totoo nito, ang hiya ay isa sa mga unang emosyong sumulpot matapos ang unang kasalanan.
Kaya't, ano ang hiya?
Hiya ang napakalakas na damdaming ang ating mga pagkakamali ay nagiging ating pagkakilanlan. Bumalik tayo sa Halamanan.
Sinabihan ng Diyos si Adan at Eva na makakakain sila ng anuman doon—maliban lang sa bunga ng isang punongkahoy. Kinumbinsi ng ahas si Eva na tikman ito, at kinumbinsi naman niya si Adan, at mabilis na sumalakay ang hiya.
Imbes na tumakbo papalapit sa Diyos para amining sila ay nagkamali, taranta nilang sinubukang magtago at gumawa ng panakip sa katawan.
At ginagawa rin natin ito. Nagkakamali tayo, at ang tendensiya natin ay itago ito. O masyado tayong napapahiya, nahihiya, o mapagmataas na aminin sa Diyos at sa iba na nagkamali tayo, kaya't nagbababad tayo sa ating hiya, na pakiramdam natin nag-iisa tayo at durog na durog na.
Ang pagkabagabag dahil sa kasalanan ay nagsasabing, “Ang pagkain ng bunga ay mali .” Ang hiya, sa kabilang banda, ay nagsasabing, “Masama ka dahil kinain mo ang bunga.”
Ang pagkabagabag dahil sa kasalanan ay madalas nagiging pinto tungo sa tunay na pagsisisi, na nagpapalakas ng relasyon natin sa Diyos. Ang hiya ay nagpapanatili sa atin sa kasalanan, na naglalayo sa atin sa Diyos.
Ngunit kung susunod tayo kay Jesus, hindi natin kailangang mamuhay sa hiya. Ang libingang walang laman ay umaalingawngaw na panawagang alisin na ang hiya. Tingnan na lang ang ginawa ni Jesus para sa atin:
… Dahil sa kagalakang naghihintay sa kanya, hindi niya ikinahiya ang mamatay sa krus, at siya ngayo'y nakaupo sa kanan ng trono ng Diyos.Mga Hebreo 12:2 RTPV05
Kaya mo bang isip-isipin kung gaano ang tiniis Niyang kahihiyan nang harapin ang krus na iyon? Siya'y hubo't hubad, sa pagkabugbog ay halos hindi na makilala, at malapit nang mamatay nang napakaraming nanonood. Ngunit tiniis Niya ang kahihiyan ng krus upang mapagtagumpayan natin ang hiya nang minsanan at magpakailanman.
Kaya nga't ang sagot sa pag-aalis ng hiya ay hindi ang tulungan ang ating sarili. Hindi ito paggawa ng mabubuting bagay. Hindi ito pagpapanatag ng ating sarili na tayo'y kahanga-hanga. Hindi ito pagbabalewala ng ating mga pagkakamali o pagbayaran ang mga ito.
Ang sagot sa hiya ay isang libingang walang laman. At kapag binawasan natin ang pagtuon sa ating mga nagawa at mas sa kung sino ang Diyos at sa Kanyang mga ginagawa para sa atin—patungo na tayo sa pagtatagumpay laban sa hiya.
Sa susunod na pagkakatong tila nakakulong ka sa nakakalasong pilipit ng hiya, kumbinsidong nawalan ka ng karapatang maging miyembro ng sambahayan ng Diyos, heto ang katotohanang idedeklara mo:
Hindi ako____. Dahil kay Cristo ako ay ____.
Hindi ako masama. Dahil kay Cristo ako ay pinatawad. (Mga Taga-Roma 8:1, Juan 3:17)
Hindi ako wasak. Dahil kay Cristo ako ay minamahal. (Juan 3:16)
Hindi ako sapat, ngunit sa pamamagitan ni Cristo na nagmamahal sa akin ako ay higit sa sapat. (Mga Taga-Roma 8:37)
Anumang kasinungalingan ang sinasabi ng hiya sa'yo, patigilin ito gamit ang katotohanan ng Diyos.
Manalangin: O Diyos, ayoko na pong mahiwalay sa Iyo. Sinasabi ng hiya na sobra na ako, sobrang sama, sobrang wasak para sa pagmamahal Mo. Ngunit sinasabi Mo na dahil kay Cristo, ako ay minamahal, karapat-dapat, pinili, tinawag, at pinatawad. Palitan ang mga kasinungalingang pinaniwalaan ko ng Iyong katotohanan. Salamat, Jesus, sa pagdadaig sa hiya at pag-aalok ng kalayaan. Sa pangalan ni Jesus, amen.
Tungkol sa Gabay na ito

Ano kaya kung hindi nating kailangang maghintay hanggang maging desperado bago ayusin ang mga nasira sa ating buhay? Tulad ng paggugol natin sa paglilinis ng ating mga tahanan, oras nang imbitahan ang Banal na Espiritu na linisang masinsinan ang ating mga puso. Sa 7-araw na gabay na ito, matutuklasan natin kung paanong bitawan ang mga bagaheng emosyonal na umaantala at nagpapabigat sa ating buhay.
More
Mga Kaugnay na Gabay

Nilikha Tayo in His Image

Sa Paghihirap…

BibleProject | Walang-Hanggang Pag-ibig ng Diyos

BibleProject | Mga Sulat ni Juan

BibleProject | Maikling Kurso tungkol kay Apostol Pablo

Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa Panalangin

Mag One-on-One with God

BibleProject | Bagong Kasunduan, Bagong Karunungan
