Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Mga Ugaling PampasayaHalimbawa

Habits Of Happiness

ARAW 2 NG 33

Ugaling Pampasaya: Alamin Kung Ano ang Mahalaga at Hindi Mahalaga

Bawat araw pagkabangon mo, kailangang paalalahanan mo ang sarili mo kung ano ang mahalaga at hindi mahalaga. Huwag kang magpapalihis sa mga bagay na walang katuturan at walang kuwenta sa buhay.


Bakit mahalagang kaugalian ito? Napuna mo ba kung gaano kadaling mawala ang iyong kagalakan dahil sa maliit na bagay lang? Kadalasang ang mga maliliit na pang-inis ang nagiging sanhi upang mawala ang kaligayahan mo. Masingitan ka lang sa pagmamaneho sa gitna ng kalye habang lumiliko, at mawawala na ang iyong kaligayahan. Hindi mo maayos nang maganda ang iyong buhok o hindi na magkasya ang mga damit mo, at mawawala na ang iyong kaligayahan. Ang maliliit na bagay ang minsang pinakanakakaapekto sa atin, at hindi naman talaga mahalaga ang mga ito.


Sabi ni Pablo sa Mga Taga-Filipos 3:7, “Ngunit dahil kay Cristo, ang mga bagay na pinapahalagahan ko noon ay itinuring kong walang kabuluhan ngayon” (RTPV05).


Ano ang pinakamahalagang bagay sa'yo bago mo makilala si Jesu-Cristo? Trabaho? Karera? Kumita ng pera? Maaaring ang magka-date. Maaaring pagiging popular. Maaaring pagkakaroon ng seguridad o pagiging sikat.


Sinasabi ni Pablo na ang lahat ng mga bagay na iyon ay walang kabuluhan kumpara sa kagalakan ng pagkakilala kay Jesus.


Ang bitag na hahadlang sa'yong lumago sa kaugaliang ito ay ang kasalukuyang laganap na kultura. Bawat araw ay may libo-libong mensaheng patalastas na nagsasabing, “Wala kang halaga hangga't hindi mo nakakamtan ang aming produkto.” Kahit ang balita sa telebisyon ay pinaniniwala tayong ang bawat isyu ang pinakamahalagang kaganapan ng araw. Hindi naman! Walang singwalang-kabuluhan ng pahayagan kahapon. Hindi dahil apurahan o madalian ay nangangahulugang ito ay mahalaga.


Kailangan mong tanungin ang sarili mo patungkol sa lahat ng bagay: Ano ang kabuluhan nito pagkatapos ng 100 taon? Ano sa mga ipinag-aalala ko ngayon ang may kabuluhan pa rin bukas? Malamang na wala nang kabuluhan iyan bukas, at lalong wala na sa magpakailanman. Kailangan mong mamuhay sa kabatiran ng magpakailanman.


Ang Amerika ay naghahabol sa walang kuwenta. Nabubuhay tayo/sila sa paghahabol ng mga bagay na walang kabuluhan. Kung nais mong sumalungat sa kasalukuyang laganap na kultura, kailangan mong tumuon hindi sa mga kasalukuyang bagay kundi sa magpakailanman. Kapag namumuhay tayo sa kabatiran ng magpakailanman, mapagtatanto nating ang maliliit na bagay na inaalala natin ay wala namang kabuluhan sa magpakailanman, at imbes na ma-istress, maaari kang maging mas masayang tao.


“Oo, itinuturing kong walang kabuluhan ang lahat ng bagay bilang kapalit ng lalong mahalaga, ang pagkakilala kay Cristo Jesus na aking Panginoon” (Mga Taga-Filipos 3:8a). Bawat araw, tandaan kung ano ang pinakamahalaga.



 


Pakinggan ang audio na pangangaral

Banal na Kasulatan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Habits Of Happiness

Sabayan si Pastor Rick sa seryeng ito patungkol sa paglilinang ng mga pang-araw-araw na mga ugaling tutulong sa iyong maging isang masayang tao habang sinasamahan ka niyang pag-aralan ang Mga Taga-Filipos, ang pinakamasa...

More

Ang gabay na ito © 2016 ni Rick Warren. Lahat ng katrapatan ay inilaan. Ginamit nang may pahintulot. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: www.rickwarren.org

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya