Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Pagdinig Mula sa Diyos Tuwing UmagaHalimbawa

Hearing From God Each Morning

ARAW 9 NG 14

Ang Diyos ay Nangungusap sa Pamamagitan ng mga Kaloob at Kakayahan



Iniisip madalas ng mga tao, Ano ang dapat kong gawin sa buhay ko? Ano ba ang layunin ko kung bakit ako'y nabubuhay? May balak ba ang Diyos para sa akin? Ang isang paraan kung paanong sinasagot ng Diyos ang mga katanungang ito ay sa pamamamgitan ng mga likas na kaloob at kakayahan. Inaakay Niya tayong maunawaan ang ating layunin sa pamamagitan ng mga kahusayan at talentong ibinigay Niya sa atin.



Ang isang talentong ibinigay ng Diyos, o ang madalas na tinatawag nating "kaloob," ay isang bagay na madali nating nagagawa, isang bagay na likas na dumarating sa atin. Halimbawa, maraming mga dakilang dalubsining na may kaalaman kung paanong pagsasama-samahin ang mga hugis at mga kulay, kaya't nasisiyahan sila sa pagpipinta, pag-uukit, o sa pagguguhit ng mga gusali. Maraming mga manunulat ng mga awit ay may naririnig na musika sa kanilang mga isipan, at madali nilang naisusulat ang mga himig at/o ang mga titik upang makalikha ng napakagandang musika. Ang ibang mga tao ay may likas na kakayahang mag-ayos o mamahala, samantalang ang iba ay likas na tagapayo, may kakayahang tulungan ang mga taong isaayos ang kanilang mga buhay at mga pakikipag-ugnayan sa ibang tao. Anuman ang mga talento natin, may nakakamtan tayong matinding kasiyahan sa paggawa natin ng mga bagay na likas nating nagagawa nang maayos.



Kung hindi ka tiyak kung ano ang layunin mo sa buhay, gawin mo lamang ang bagay kung saan ka mahusay at masdan mo kung paanong pagtitibayin ng Diyos ang mga pagpili mo sa pamamagitan ng Kanyang pagpapala sa mga pagpupunyagi mo. Huwag mong gugulin ang iyong buhay sa pagsisikap na gawin ang bagay na hindi naman doon ang kaloob mo. Kapag ang mga tao'y gumagawa sa mga trabahong hindi naman doon ang kaloob nila. sila'y nagiging malungkot - at gayundin ang mga taong nakapaligid sa kanila. Ngunit kapag ang mga tao'y nasa tamang lugar, sila'y mangunguna sa kanilang mga trabaho at magiging pagpapala sa kanilang mga amo at katrabaho.



Kapag ginagawa natin ang mga bagay kung saan tayo'y mahusay, mararamdaman natin ang pagpahid ng Diyos (ang Kanyang presensya at kapangyarihan) sa ating mga pagsisikap. Malalaman nating gumagana tayo sa ating mga kaloob at sa paggawa natin nito, napaparangalan natin ang Diyos at nakapaglilingkod tayo sa ibang tao. Nangungusap sa atin ang Diyos sa pamamagitan ng pagpapahid na ito, na nagbibigay sa atin ng kapayapaan at kaluguran na malamang natutupad natin ang Kanyang balak para sa ating mga buhay.



Ang salita ng Diyos para sa iyo ngayong araw na ito: Gawin mo ang bagay kung saan ka mahusay - ito'y kaloob sa iyo ng Diyos.



Mula sa aklat na "Hearing from God Each Morning" ni Joyce Meyer. Copyright 2010 ni Joyce Meyer. Inilathala ng FaithWords. All rights reserved.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Hearing From God Each Morning

Sa mundong ginagalawan natin ngayon, napapalibutan tayo ng ingay. Natatabunan tayo ng mga tinig sa paligid natin - ang ating mga anak, mga kaibigan, asawa, at maging ang sarili natin. Dahil naguguluhan tayo sa mga tunog ...

More

We would like to thank Joyce Meyer Ministries for providing this reading plan. For more information, please visit: www.joycemeyer.org

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya