Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Pagdinig Mula sa Diyos Tuwing UmagaHalimbawa

Hearing From God Each Morning

ARAW 10 NG 14

Laging Nariyan



Ang katotohanang ang Banal na Espiritu ay naninirahan sa ating kaloob-looban ay nagpapatunay ng Kanyang kahandaang maging nariyan lagi upang mangusap sa atin at tulungan tayo kapag kailangan natin Siya. Habang tayo'y patuloy sa paglagong espiritwal, mararanasan natin ang tukso, ngunit ibinigay sa atin ng Diyos ang Banal na Espiritu upang bigyan tayo ng kakayahang labanan ito at makagawa ng tamang pagpili sa halip na mga di tamang pagpili.



Gayunman, walang tao ang walang kapintasan at makakagawa tayo ng mga pagkakamali. Ngunit ang kapatawaran ng Diyos ay laging nariyan para sa atin sa pamamagitan ni Jesucristo. Ang pagtanggap ng kapatawarang ito ay nagpapalakas sa atin at nagbibigay ng kakayahang makasulong para sa Diyos. Nagkakaroon din ng kapayapaan ang ating mga puso, pinalalaya tayo, at tinutulungan tayong marinig nang malinaw ang tinig ng Diyos.



Ang pagkakaroon ng damdamin ng pagkatalo at kahatulan dahil sa bawat kamaliang ating nagagawa ay nagpapahina sa atin. Sa halip na gamitin natin ang ating lakas sa pagiging malungkot para sa ating sarili, dapat na lamang nating gamitin ito upang tiyaking ang ating mga puso ay nakaayos sa tinig ng Diyos habang inaakay Niya tayo sa higit na kalakasan at mas malalim na pakikipag-ugnayan sa Kanya. Ang Kanyang kapatawaran at ang Kanyang presensya ay laging nariyan para sa atin sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. Sa paghahanap mo sa Diyos ngayong araw na ito, nais kong hikayatin kang tanggapin ang Kanyang pagmamahal at kahabagan. Ang Kanyang mga bisig ay nakabukas at naghihintay Siya upang gumugol ng panahong kasama ka.



Ang salita ng Diyos para sa iyo sa araw na ito: Lagi mong alalahanin na ang Banal na Espiritu ay laging nariyan para sa iyo.



Mula sa aklat na "Hearing from God Each Morning" ni Joyce Meyer. Copyright 2010 ni Joyce Meyer. Inilathala ng FaithWords. All rights reserved.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Hearing From God Each Morning

Sa mundong ginagalawan natin ngayon, napapalibutan tayo ng ingay. Natatabunan tayo ng mga tinig sa paligid natin - ang ating mga anak, mga kaibigan, asawa, at maging ang sarili natin. Dahil naguguluhan tayo sa mga tunog ...

More

We would like to thank Joyce Meyer Ministries for providing this reading plan. For more information, please visit: www.joycemeyer.org

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya