Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Pagdinig Mula sa Diyos Tuwing UmagaHalimbawa

Hearing From God Each Morning

ARAW 1 NG 14

Ang Diyos ay Nangungusap sa Maraming Kaparaanan



Sa talata para sa araw na ito, ipinapahayag ng Diyos na Siya'y nangungusap, at kapag ginawa Niya ito, nagsasalita Siya nang may katuwiran. Maaari asahan palagi na ang Kanyang sasabihin ay tama. Nangungusap ang Diyos sa atin sa maraming paraan na kabilang dito ngunit hindi lamang limitado sa mga sumusunod: sa Kanyang Salita, sa kalikasan, sa ibang tao, sa kapayapaan, sa karunungan, sa mga malahimalang pagtulong, sa mga panaginip, mga pangitain, at sa mga tinatawag nilang "tagapagpatotoo," o di kaya'y "pagkaalam" sa kaibuturan ng ating mga puso. Nangungusap din Siya sa tinatawag ng Biblia na "isang banayad na tinig," na sa aking paniniwala ay tumutukoy din sa tagapagpatotoo na ito.



Nangungusap din ang Diyos sa pamamagitan ng konsensya, sa pamamagitan ng ating mga naisin, at sa naririnig na tinig, ngunit laging tandaan na kapag Siya ay nangungusap, ang Kanyang sinasabi ay laging tama at ito'y hindi sumasalungat sa Kanyang sinasabi sa nakasulat na Salita ng Diyos. Madalang nating marinig ang naririnig na tinig ng Diyos, bagama't ito'y nangyayari. Narinig ko na ang Kanyang naririnig na tinig tatlo o apat na beses sa buong buhay ko. Sa dalawa sa mga pagkakataong ito, natutulog ako at ang Kanyang tinig ang gumising sa akin sa pamamagitan ng simpleng pagtawag sa pangalan ko. Ang tanging narinig ko ay "Joyce," ngunit alam kong ang Diyos ang nagsasalita. Hindi Niya sinabi kung ano ang gusto Niya, ngunit alam kong tinatawag Niya ako upang may gawing natatangi para sa Kanya, bagama't lumipas pa ang ilang taon bago ito naging malinaw sa akin.



Nais kong hikayatin kang hingin sa Diyos ang tulong na marinig mo ang tinig Niya sa anumang paraan na pipiliin Niya upang mangusap sa iyo. Mahal ka Niya; may mabuting plano Siya para sa buhay mo; at nais Niyang makipag-usap sa iyo tungkol sa mga bagay na ito.



Ang salita ng Diyos sa iyo ngayong araw na ito: Nangungusap ang Diyos sa maraming paraan; tandaan mo lamang - hindi Niya sasalungatin ang Biblia.



Mula sa aklat na "Hearing from God Each Morning" ni Joyce Meyer. Copyright 2010 ni Joyce Meyer. Inilathala ng FaithWords. All rights reserved.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Hearing From God Each Morning

Sa mundong ginagalawan natin ngayon, napapalibutan tayo ng ingay. Natatabunan tayo ng mga tinig sa paligid natin - ang ating mga anak, mga kaibigan, asawa, at maging ang sarili natin. Dahil naguguluhan tayo sa mga tunog ...

More

We would like to thank Joyce Meyer Ministries for providing this reading plan. For more information, please visit: www.joycemeyer.org

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya