Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Carols: Isang Debosyonal ng PaskoHalimbawa

Carols: A Christmas Devotional

ARAW 13 NG 25

Still, Still, Still

Still, still, still, One can hear the falling snow.
For all is hushed, The world is sleeping
Holy Star its vigil keeping
Still, still, still, One can hear the falling snow.


Tahimik, tahimik, tahimik… Ang mga salitang ito ay tila walang puwang sa pagmamadali ng isang buhay na abala, lalo na sa panahon ng Pasko. Ang mga pagtitipon, mga regalo, at mga proyekto ay kadalasang nagdudulot sa atin ng matinding kabalisahan habang tayo ay nagmamadali mula sa isang kaganapan patungo sa susunod. Kadalasan, bago pa man natin mamalayan, ang araw ng pasko ay dumating at lumipas na. Doon pa lang natin mapagtatanto na, sa kabila ng ating mabubuting intensyon, hindi natin naranasan ang kapayapaan na dulot ng tunay na kasiyahan sa kahanga-hangang pag-ibig ng Diyos sa atin..

Hindi ba kapansin-pansin na iniuutos sa ating ng Diyos na "Tumahimik"? Sa palagay mo ba ito ay dahil alam Niya na tayo kung minsan ay nahihirapang gawin ito nang mag-isa?

Ano ang mangyayari kung tayo ay talagang maglalaan ng oras upang manahimik? Ang sagot ay nasa Mga Awit 46:10…”Tumigil kayo at kilalanin ninyo na ako ang Dios: Akoʼy pararangalan sa mga bansa, Akoʼy papupurihan sa buong mundo”. Kapag ikaw ay matahimik sa harapan ng Diyos, dapat mong maunawaan na anuman ang iyong kinakaharap, anuman ang nangyari sa araw mo, maaari kang ganap na magpahinga sa katotohanan na Diyos ang ay Diyos. Siya ay kamangha-mangha at kahanga-hanga at makapangyarihan. Mahal Niya tayo nang higit pa sa ating naiisip at kontrolado Niya ang mga bagay-bagay.

Gumugol ng oras ngayon na sadyang maghanap ng katahimikan sa iba't ibang sandali. Marahil ay maaari kang magbalot sa kumot at pumunta sa labas para silipin ang mga bituin, iniisip kung ano ang hitsura ng banal na bituin, yaong nagbigay ng hudyat sa pagsilang ng kapanganakan ni Cristo maraming taon na ang nakalipas. Marahil ay maglaan ng isang minuto na panoorin ang iyong batang anak na natutulog at isipin habang pinagmamasdan ang maamong mukha na iyon, ano ang inisip ni Maria at Jose sa kanilang bagong silang na anak. Buksan ang iyong Biblia, basahin ang isang paboritong Kasulatan... pagkatapos ay maupo at maghintay.

Tanong:

Anong mga katotohanan ang nangungusap sa iyong kaluluwa tungkol kay Cristo habang nag-uukol ka ng oras na maging tahimik sa Kanyang harapan?

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Carols: A Christmas Devotional

Ang Diyos ay kasama natin - sa mga sinagot na pangako, natupad na mga pangarap, at panibagong pag-asa. Hindi natin mapigilan ang hindi pag-awit. Sa panahon ng Paskong ito, tuklasin ang mga awit na isinilang mula sa ating kagalakan na si Cristo ay pumarito sa mundo at muling tuklasin ang kanilang kaugnayan sa iyong buhay ngayon sa 25-araw babasahin.

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaring bisitahin ang: www.life.church