Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Carols: Isang Debosyonal ng PaskoHalimbawa

Carols: A Christmas Devotional

ARAW 10 NG 25

Do You Hear What I Hear

Said the little lamb to the shepherd boy
Do you hear what I hear?
Ringing thru the sky, shepherd boy
Do you hear what I hear?


Mahigit 2000 taon na ang nakakaraan, ang Tagapagligtas ng mundo ay ipinanganak. Huminto ka na ba sa pag-iisip kung paanong nalaman ng mga tao ang tungkol sa Kanyang kapanganakan? Ang kantang “Do You Hear What I Hear?” ay nagbibigay sa atin ng isang halimbawa kung paano naipakalat ang balita ng Kanyang kapanganakan.

Ang kanta ay nagsisimula sa pagtatanong ng Banal na Espiritu sa tupa, “Do you see what I see?” Ang Tupa gayundin ay nagpunta sa pastol at nagtatanong, “Do you hear what I hear?” Ang Pastol ay dali-daling pumunta sa Hari at nagtatanong “Do you know what I know?” Nang ibinahagi nila kung ano ang sinabi ng Diyos sa kanila, narinig ng buong bansa ang tungkol sa kapanganakan ng Tagapagligtas, si Jesus, at kung ano ang kahulugan ng Kanyang kapanganakan sa buong mundo.

Narito ang magandang balita: ito rin ay ang ating pagkatawag bilang taga-sunod ni Cristo - na ibahagi sa iba kung ano ang sinabi sa atin! Ipinapahayag ng Diyos ang Kanyang sarili sa ating lahat sa iba't ibang paraan, depende sa ating mga personalidad at kaloob. Para sa ilan, ipinapakita Niya ang mga nakikitang bagay tungkol sa Kanya, katulad ng isang bituin sa langit. Ang iba ay mas mabuting nakakalapit sa Kanya sa pamamagitan ng pagbabasa ng Banal na Kasulatan, ang ilan ay sa pamamagitan ng pag-awit ng mga papuri sa Kanya. Ang tanong ay ano ang ginagawa natin sa mga ibinibigay sa atin ng Diyos? Dapat nating mapagtanto na gagamitin tayo ng Diyos upang dalhin ang mga tao sa Kanya sa pamamagitan ng ipinahayag Niya sa atin bilang indibidwal.

Sa kantang ito, pinili ng Diyos ang tinig ng isang batang lalaking pastol upang sabihin sa iba kung ano ang narinig niya, dahil dito, ang buong bansa ay nakarinig ng tungkol sa kapanganakan ni Jesus. Paano naman ngayon? Kung gusto nating nalaman ng mga tao ang tungkol sa Tagapagligtas na ipinanganak, dapat tayong maglaan ng panahon upang ibahagi sa iba kung ano ang ipinapahayag sa atin. Ang mga buhay ay mababago kung sasabihin natin sa mga tao sa ating buhay kung ano ang ipinakita at ginawa ng Diyos sa atin.

Mga Tanong:

Ano ang ipinakita o sinabi sa iyo ng Diyos kamakailan na dapat mong ibahagi sa iba?

Sa anong mga paraan ipinapahayag ng Diyos ang Kanyang sarili sa Iyo?

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Carols: A Christmas Devotional

Ang Diyos ay kasama natin - sa mga sinagot na pangako, natupad na mga pangarap, at panibagong pag-asa. Hindi natin mapigilan ang hindi pag-awit. Sa panahon ng Paskong ito, tuklasin ang mga awit na isinilang mula sa ating kagalakan na si Cristo ay pumarito sa mundo at muling tuklasin ang kanilang kaugnayan sa iyong buhay ngayon sa 25-araw babasahin.

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaring bisitahin ang: www.life.church