Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Carols: Isang Debosyonal ng PaskoHalimbawa

Carols: A Christmas Devotional

ARAW 11 NG 25

I'll Be Home For Christmas

Christmas Eve will find me
Where the love light gleams
I’ll be home for Christmas
If only in my dreams


Ang salitang tahanan ay tinutukoy nang ginto: Kung saan ang isang tao ay nakatira; isang pamilyar na kapaligiran; isang lugar na pinagmulan. Nasaan ang ating tahanan?

Ang ating tahanan ay ang lugar kung saan ginugol natin ang karamihan ng ating mga taon sa paglaki at paggawa ng mga alaala. Dito natin ginawa ang ating unang mga hakbang. Doon natin natutunan ang pagmamaneho ng kotse. Doon tayo unang nagkaroon ng crush. Ito ang lugar kung saan tayo nagtapos sa hayskul at kolehiyo at marahil ay nakilala pa ang ating asawa. Isang lugar kung saan tayo ay lumaki bilang tao ngayon. Ang tahanan para sa atin ay kung saan tayo nakakaramdam ng kaginhawahan kasama ng mga taong pinakamamahal natin. Ito ang lugar kung saan tayo ay maaaring maging natural at hindi mag-alala tungkol sa mundo sa labas.

O iyon ba? Ayon kay Webster, ang ating tahanan ay kung saan tayo nakatira, ito ay lugar ng ating pinagmulan, ang ating pamilyar na kapaligiran. Ngunit, ayon sa 1 Pedro 2:11, ang ating tahanan ay wala sa mundong ito:

"Mga kaibigan, ang mundong ito ay hindi mo tahanan, kaya huwag mong gawing komportable ang iyong sarili dito. Huwag magpakasaya sa iyong sarili kapalit ng iyong kaluluwa."

Walang masama na magsaya sa mga lugar sa lupa. Mayroon tayong magagandang alala at karanasan sa iba't ibang lugar sa buong bahay natin. Ngunit hindi naman dapat na 100% tayong komportable dito. Ang ating tahanan ay kasama si Jesus sa Langit. Hanggang sa sabihin Niya na oras na upang makasama Siya, mananatili tayo rito. At gaano man natin kamahal ang ating tahanan sa lupa, hindi tayo kailanman ganap na masisiyahan. Tingnan kung ano ang sinasabi ng manunulat ng kantang si Laura Story sa kanyang sikat na awit, Blessings:

"Paano kung ang aking pinakamatinding kabiguan o sakit sa buhay na ito ay ang pagpapahayag ng isang malaking kauhawan na hindi matugunan ng mundong ito."

Tanging si Cristo lamang ang makapapagbibigay ng kasiyahan. Tanging ang Kanyang presensya at kapayapaan lamang ang makapagdadala sa atin ng puro, dalisay na kagalakan. Tanging ang Kanyang kaaliwan ang tunay na makapag-aalis sa atin sa bingit ng kabiguan at kapahamakan. Isang araw tayo ay tunay na makakasama Niya. Hindi lamang para sa Pasko ngunit para sa sa kawalang hanggan.

At anong araw ng kagalakan iyon.

Tanong:

Paano mo hahayaan si Cristo na magbigay sa iyo ng kasiyahan at matupad ang bawat pangangailangan mo ngayong Pasko, sa halip na umasa sa maaaring ibigay ng mundo?

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Carols: A Christmas Devotional

Ang Diyos ay kasama natin - sa mga sinagot na pangako, natupad na mga pangarap, at panibagong pag-asa. Hindi natin mapigilan ang hindi pag-awit. Sa panahon ng Paskong ito, tuklasin ang mga awit na isinilang mula sa ating kagalakan na si Cristo ay pumarito sa mundo at muling tuklasin ang kanilang kaugnayan sa iyong buhay ngayon sa 25-araw babasahin.

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaring bisitahin ang: www.life.church