Carols: Isang Debosyonal ng PaskoHalimbawa

The Christmas Song
Chestnuts roasting on an open fire,
Jack Frost nipping at your nose,
Yuletide carols being sung by a choir,
And folks dressed up like Eskimos.
Kung mayroong isang kanta na mayroong “Espiritu ng Pasko” ito iyon. Naiisip natin ang isang eksena ng painting ni Norman Rockwell. O marahil naiisip natin ang mga nangangaroling na pumupunta sa ating pintuan habang inaalok natin sa kanila ang masarap, na inumin mula sa mansanas na bagong hango sa kalan. Dumadalo tayo sa mga pagtitipon sa bahay ng ating mga kaibigan at pananambahan sa simbahan. Huwag nating kalimutan na magkakasama tayong buong pamilya sa umaga ng Pasko habang ang pinakamagandang piraso ng mga niyebe ay bumabagsak sa lupa.
At sa gitna ng ating ilusyon sa Pasko, ang ating mga anak ay papasok sa kuwarto na sumisigaw “Nanay!” o “Tatay!” dahil natamaan sila, o dahil isa sa kanila ay gumamit ng pellet gun ng isa nang hindi nagpapaalam, o dahil tinangay ng isa sa mga kapitbahay ang kanilang basketball, o dahil sila ay nahulog sa zip line. Oh, para sa pag-ibig ng lahat na mabuti at tama sa mundo, maari bang manatili kami sa aming maliit na piraso ng paraiso ng Pasko nang kahit na kaunti?
Ganyan ang buhay, di ba? Gaano man kahusay ang ating pagtatangka na ilarawan ang ating buhay, laging may kakaibang bagay na inilalagay dito na wala sa ating isipan nang pinapangarap natin ito. Isang bagay na sumisira sa ating perpektong larawan. Isang bagay na nakakadurog ng ating puso.
Isang relasyon na nagwakas.
Isang mahal sa buhay na namatay nang maaga.
Ang pagtataksil ng isang kaibigan.
Alam mo ba na na ang Diyos ay hindi nagugulat sa mga pagkagambala sa ating buhay? Sa katunayan walang nakakagulat sa Kanya. Huwag ipagkamali na ang masamang nangyayari sa iyong buhay ay dahil nawalan Siya ng kontrol. Hindi, ito ay hindi tungkol sa Kanyang kakayahan kundi tungkol sa Kanyang kapangyarihan.
Bagamat nais nating huwag mangyari ang masasamang bagay sa ating buhay, mangyayari ang mga ito. Sinabi ni Jesus tayo ay magkaroon ng kapighatian (Juan 16:33), ngunit Siya rin ay nangako na papayapain Niya tayo sa gitna nito (Juan 14:27). Kaya, anuman ang kalagayan natin sa buhay, inaasahan man natin na tayo'y nasa landas na ating tinatahak o hindi, makatitiyak tayo, na ang ating Diyos ay magagawang maganda ang mga bagay na nasira.
Kaibigan, alam natin na sa lahat ng bagay ay gumagawa ang Diyos para sa ikabubuti ng mga nagmamahal sa Kanya, yaong mga tinawag ayon sa kanyang layunin (Mga Taga Roma 8:28). Magpatuloy at magtiwala sa Kanya na kailanman ay hindi ka bibiguin.
Mga Tanong:
Paano mong nakita ang Diyos na may kontrol sa gitna ng pagkagambala ng buhay?

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang Diyos ay kasama natin - sa mga sinagot na pangako, natupad na mga pangarap, at panibagong pag-asa. Hindi natin mapigilan ang hindi pag-awit. Sa panahon ng Paskong ito, tuklasin ang mga awit na isinilang mula sa ating kagalakan na si Cristo ay pumarito sa mundo at muling tuklasin ang kanilang kaugnayan sa iyong buhay ngayon sa 25-araw babasahin.
More
Nais naming pasalamatan ang Life.Church sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaring bisitahin ang: www.life.church