Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Carols: Isang Debosyonal ng PaskoHalimbawa

Carols: A Christmas Devotional

ARAW 16 NG 25

The Little Drummer Boy

Come they told me, Pa rum pa pum pum
A newborn King to see, Pa rum pa pum pum


Ang gabi ay tahimik, maliban sa pagtibok ng kanyang puso. Para sa kanya parang malakas ang tunog nito, at nag-isip siya kung naririnig din ito ng kanyang mga kasama sa paglalakbay. Kinakabahan siya na makita ang isang hari, ngunit patuloy siya sa paglalakad, mahigpit na nakahawak sa kanyang tambol.

Ang kanyang puso ay malapit nang tumibok papalabas sa kanyang dibdib. Ang iba naman ay may dalang mga magagandang kahon na puno ng mamahaling regalo, mga regalong karapat-dapat sa isang hari. Wala siyang ibang dala kundi ang kanyang tambol, na parang hindi akmang instrumento para patugtugin sa hari, maliban pa sa isang bagong silang na hari. Kung mayroon lang sana siyang mas nakapagpapakalmang instrumento, katulad ng alpa na kung minsan ay tinutugtog ng mga batang pastol.

Ang tibok ng kanyang puso ay nakakabingi habang siya ay nakatayo sa harapan ng Hari. At pagkatapos tumango si Maria. Ang ina ng hari ay tumango sa kanya. Gusto niya talagang tumugtog siya. Itinaas niya ang patpat ng kanyang tambol at nagsimulang tapikin ang unang tono na pumasok sa kanyang isipan, ang ritmo ng pagtibok ng kanyang puso.

At kaya ibinigay ng Little Drummer Boy ang kanyang puso sa Diyos. Tumugtog nang kanyang pinakamahusay. Ibinigay niya ang kanyang pinakamahusay.

Gaano kadalas nating nadarama na ang ating mga kaloob ay hindi sapat? Inihahambing natin ang ating sarili sa iba, nag-iisip bakit ang kanilang mga kaloob ay parang mas "kapaki-pakinabang" para sa kaharian. Gusto nating magturo katulad ng ating pastor, o umawit katulad ng ating tagapanguna sa pag-awit. O marahil nais nating ibahagi ang ating mga pagpapala, ngunit kung minsan, parang hindi tayo masyadong pinagpala. Hindi natin maibibigay ang wala sa atin, subalit sa halip na ipagdalamhati ang ating kakulangan, kailangan nating hanapin ang ating "drum," ang isang bagay na maaari nating ibigay.

Ang katotohanan ay ang Diyos ay mayroon ng mga pagtuturo katulad ng sa pastor. Mayroon na Siyang mga pag-aawitan katulad sa tagapanguna sa pag-awit. At ang gusto Niya, ang talagang magagamit Niya, ay ang iyong puso.

Isipin kung paano mo mapagpapala ang iba sa kapaskuhang ito, at sa gayon ay mapagpapala ang Diyos. Hindi mo kailangang gumastos ng pera. Kailangan mo lang ibigay ang iyong sarili, o ang iyong puso. Katulad ng maliit na Drummer Boy. Ngumiti si Jesus sa kanya. Isipin mo si Jesus na nakangiti sa iyo. Parang napapabilis ang tibok ng puso mo, hindi ba? Pakinggan mo.

Mga tanong:

Paano mo mapagpapala ang Diyos sa pamamagitan ng pagpapala sa iba sa kapaskuhang ito?

Ibinibigay mo ba ang iyong pinakamahusay sa Diyos? Kung hindi, paano mo maibibigay sa kanya ang iyong pinakamahusay ngayon?

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Carols: A Christmas Devotional

Ang Diyos ay kasama natin - sa mga sinagot na pangako, natupad na mga pangarap, at panibagong pag-asa. Hindi natin mapigilan ang hindi pag-awit. Sa panahon ng Paskong ito, tuklasin ang mga awit na isinilang mula sa ating kagalakan na si Cristo ay pumarito sa mundo at muling tuklasin ang kanilang kaugnayan sa iyong buhay ngayon sa 25-araw babasahin.

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaring bisitahin ang: www.life.church