Carols: Isang Debosyonal ng PaskoHalimbawa

O Holy Night
Fall on your knees, O hear the angel voices!
O night divine, O night when Christ was born!
Sa gitna ng napakaraming kakulangan, ang gabi na ipinanganak si Cristo ay maaaring maituring na isa sa mga perpekto na gabi sa kasaysayan ng sangkatauhan. Gumamit ang Diyos ng mahihirap na mga sitwasyon (paglalakbay gamit ang isang asno kasama ang asawang nagdadalang-tao) at ang isang hindi maalwang lugar (hindi man lang isang silid sa hotel, kungdi isang kamalig na mayroon lang isang sabsaban para matulugan) upang dalhin ang Kanyang perpekto at banal na Anak sa mundo. Madaling gawin ng Diyos na maging matagumpay ang kapanganakan ni Jesus, ngunit pinili Niyang huwag gawin iyon.
Ang paraan ng pagdala ng Diyos sa Kanyang anak sa mundo ay halos katulad ng paraan kung paano Siya gumagawa sa ating buhay. Kadalasan kinukuha ng Diyos ang mga kakulangan sa ating buhay at ginagamit ang mga ito para tayo ay maging perpekto. Gusto ng Diyos na baguhin ang pisikal at emosyonal na mga pilat at gamitin ang mga ito upang lumago tayo na mas malakas na tao. Ninanais din Niya na kunin ang natutunan natin mula sa ating mga kakulangan at tulungan ang iba na maaaring nakikibaka sa parehong mga bagay.
Si Jesus ay liwanag upang mahayag ang Diyos sa lahat ng mga bansa, at maaari rin nating ipakita ang parehong liwanag na iyon. Huwag hayaang ang iyong mga kakulangan ay pumigil sa iyo. Sa halip, hayaan ang Diyos na gamitin ang mga ito upang hubugin ka na isang tao na idinisenyo Niyang maging ikaw, na isang liwanag sa isang madilim na mundo. Ibigay sa Diyos ang iyong kahinaan upang gawin Niya ang mga ito na iyong mga pinakadakilang lakas.
Mga Tanong:
Anong mga kahinaan ang kailangan mong ibigay sa Diyos upang gawin ka Niyang perpekto?
Sa anong mga paraan nakikita mo ang iyong sarili bilang isang liwanag na maghahayag ng katotohanan ng Diyos sa iba?

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang Diyos ay kasama natin - sa mga sinagot na pangako, natupad na mga pangarap, at panibagong pag-asa. Hindi natin mapigilan ang hindi pag-awit. Sa panahon ng Paskong ito, tuklasin ang mga awit na isinilang mula sa ating kagalakan na si Cristo ay pumarito sa mundo at muling tuklasin ang kanilang kaugnayan sa iyong buhay ngayon sa 25-araw babasahin.
More
Nais naming pasalamatan ang Life.Church sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaring bisitahin ang: www.life.church