Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Carols: Isang Debosyonal ng PaskoHalimbawa

Carols: A Christmas Devotional

ARAW 18 NG 25

When A Child Is Born

…new hope, new life. Many things come to pass with the birth of a new child.
For a season, everyone, forgets their own weariness and own problems.
This tiny creature will change people’s lives…forever.


Walang katulad ang pagpapapahayag ng bagong sanggol na magdadala ng kagalakan sa isang pamilya. Katulad ng sinasabi ng kanta, “…bagong pag-asa, bagong buhay. Maraming bagay ang nangyari sa pagsilang ng isang bagong sanggol. Para sa isang panahon, kinakalimutan ng lahat ang kanilang sariling kapaguran at problema. Ang maliit na nilalang na ito ay magbabago sa buhay ng mga tao…magpakailanman.”

Ang mga inang nagdadalantao ay nakakakuha ng maraming atensyon, dahil ang mga kaibigan at pamilya ay karaniwang interesado sa pagiging bahagi sa buong proseso ng pabubuntis hanggang sa pinakadulo. Kapag dumating na ang sandali, walang katulad ang tunog ng iyak ng isang bagong silang na sanggol upang patunayan ang isang buhay na lumalaki at nabubuo sa loob ng siyam na buwan, at lumilikha ng labis na kagalakan.

Ang katulad na kagalakan na nagmumula sa pisikal na kapanganakan ay nangyayari rin kapag naranasan natin ang kapanganakang espirituwal sa sandaling iyon nang hiniling natin na si Cristo ay maging ating personal na Tagapagligtas at Panginoon ng ating buhay. Sa katunayan, maraming mga tao ang nagdiriwang ng kanilang pisikal at espirituwal na kaarawan dahil nauunawaan nila ang araw na si Cristo ay pumasok sa kanilang buhay ay kasing halaga ng araw na sila ay nabuhay.

Isipin ang kagalakan na kitang-kita sa kapanganakan ni Jesus dahil ang Kanyang pisikal na kapanganakan ay magpapabago sa sangkatauhan magpakailanman. Magkakaroon tayo ng kapanganakan na muli dahil sa Kanyang pisikal na kapanganakan. Sinasabi ng Juan 10:10, “Siya…ay dumating…upang sila ay magkaroon ng buhay, at magkaroon sila nito nang higit na sagana.” Mayroon tayong isang bagong buhay dahil sa isang sanggol: si Jesus. Habang pinagninilayan mo ito ngayong panahon ng Pasko, magpasalamat ka sa ginawa ng Diyos sa pamamagitan ng pagpapadala ng Kanyang kaisa-isang Anak upang tayo ay magkaroon ng bagong buhay. Magpasalamat para sa isang banal na gabi nang ang isang sanggol ay ipinanganak upang tayo ay maipanganak na muli.

Mga Tanong:

Ano ang umakay sa iyong espirituwal na kapanganakan?

Ano ang ibig sabihin sa iyo ng bagong buhay kay Cristo?

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Carols: A Christmas Devotional

Ang Diyos ay kasama natin - sa mga sinagot na pangako, natupad na mga pangarap, at panibagong pag-asa. Hindi natin mapigilan ang hindi pag-awit. Sa panahon ng Paskong ito, tuklasin ang mga awit na isinilang mula sa ating kagalakan na si Cristo ay pumarito sa mundo at muling tuklasin ang kanilang kaugnayan sa iyong buhay ngayon sa 25-araw babasahin.

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaring bisitahin ang: www.life.church