Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

PAKIKIPAG-USAP SA DIYOS
Matapos maihabilin ng mga Apostol ang mga araw-araw na gawain kay Esteban at sa iba pa, inilaan nila ang kanilang mga sarili sa pinakamahalagang bahagi ng mga natitira nilang tungkulin — ang pakikipag-usap sa Diyos at paghingi ng Kanyang direksyon. Tinutulungan tayo ng babasahing ito na unawain kung paano nila ginawa iyon.
Ang pakikipag-usap ng mga alagad sa Diyos ay kabilaan. Nakipag-usap sila sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin, at nakinig sila sa Diyos sa pamamagitan ng kanyang Salita. Sa una, maswerte na sila na nakarinig mula sa Salita mismo, ngunit nang namatay na ang mga saksi kay Kristo, ang mga mananampalataya ay bumaling sa nakasulat na Salita upang dinggin ang salita ng Diyos. Iyan ay pwede rin nating makamit sa ngayon sa nakasulat at inspiradong Biblia.
"Kapag pinagninilayan natin ang Salita, nangungusap sa atin ang Ama, at kapag nananalangin tayo, tayo ay nakikipag-usap sa Ama" (Warren Wiersbe). Halina't turuan natin ang mga anak natin nitong kakayahang "makipag-usap" sa Diyos.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com