Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 103 NG 280

PANANAMPALATAYA AT PAGTITIYAGA

Magkasama ang pananampalataya at pagtitiyaga sa buhay ng isang mananampalataya. Kumikilos ang Diyos sa Kanyang sariling panahon at kailangan nating magtiwala na alam Niya ang pinakamabuti para sa ating pamilya. Kapag nawawalan tayo ng pasensya at ipinipilit ang gusto natin, maaaring maligaw tayo sa landas na inilatag ng Diyos para sa atin at sa ating mga anak.

Hindi naman ibig sabihin na dapat ay tumigil na tayo kumilos, maupo na lang sa tabi ng landasin at hayaan ang Diyos na kumilos; hindi, ang kailangan Niya ay ang pagsunod natin sa Kanyang landas nang may kasipagan. Kailangan tayo ay aktibong umaasa sa Kanya, patuloy na umuusad, ngunit kuntento saanman mang landas Niya tayo dalhin. Kailangan mayroon tayong pananampalataya sa landas na itinuturo ng Diyos sa atin, at pagtitiyaga dahil alam Niya kung paano magpapatuloy mula dito.

Ang pagsunod sa landas ng Diyos ay nangangailangan ng pananampalataya na alam Niya kung saan tayo patungo at pagtitiyaga na alam Niya kung paano tayo aakayin patungo doon.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com