Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 68 NG 280

KAGALAKAN SA MGA PAGSUBOK, KIROT SA KATAGUMPAYAN

Isinalaysay ni Jesus ang talinhagang ito sa isang hapunan na inihanda ng isang Pariseo. Isang "makasalanang" babae ang nagpumilit na makalapit sa paa ni Jesus, umiiyak, pinupunasan ang Kanyang mga paa ng kanyang buhok at binubuhusan ang mga ito ng pabango na ikinainis ng mga bisita. At ang mas nakamamangha pa sa mga nakapaligid na bisita, malugod siyang tinanggap ni Jesus, kinilala ang kanyang pananampalataya at pinatawad ang kanyang mga kasalanan.Pinaghmabing ni Jesus ang mga Pariseo at ang makasalanang babae. Pareho silang nangangailangan ng kapatawaran, ngunit isa lamang sa kanila ang kumilala ng kanyang pangangailangan dito. Ang kanyang mga kasalanan ay hayag at malinaw na nakikita, at wala siyang ibang mapupuntahan kundi ang Tagapagligtas. Ang kasalanan ng Pariseo ay lihim at nakatago sa lahat maliban sa Diyos. Ang kanyang tagumpay ay nagdala sa kanyang maging mayabang at hindi inaalintana ang malaking pangangailangan niya sa Tagapagligtas.

Maging maingat sa masunuring bata. Nakatutuksong hindi ibigay ang pagdidisiplina sapagkat, "Lagi naman siyang mabuti!" Ngunit, kailangan nating lahat ng ilang pagkabigo upang kilalanin natin ang pangangailangan natin sa biyaya. Huwag ninyong hayaang madala palayo sa Diyos ang iyong anak dahil sa kanyang mga katagumpayan.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com