Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

SAKRIPISYO
Namamangha tayo sa pagsunod na ginawa ni Abraham dahil sa napakalaking kabayaran nito. Ngunit marami rin sa atin ang handang isakripisyo ang ating mga anak — hindi sa altar —kundi sa mga inaasahan ng mundo. Ang sakripisyong ito ay hindi nangangailangan ng patalim, ngunit ito'y naisasagawa araw-araw sa tusong pamamaraan. Mga talakdaan na punung-puno kung kaya't nasisiksik ang panahon para sa pakikipag-ugnayan. Mga kalatas na nagpapahatid ng kahalagahan ng "tagumpay" ng isang anak. Pamimilit sa mga anak na magpakita ng kahusayan sapagkat nakikita natin sila bilang larawan natin. Ang paggamit ng ating panahon at pera sa paghabol sa kapangyarihan, kagandahan, at kasikatan.
Dinaragsa tayo ng mga maling mensahe na nagtatakda ng ating halaga at ng halaga ng ating mga anak ayon sa kanilang makamundong pamantayan. Tulad ni Abraham, tinatawag tayo ng Diyos upang ihinto ang ganitong sakripisyo. Ngunit kailangang ilampas nating ang tingin natin mula sa mga bagay na pansamantala at tumingin sa bagay na panghabambuhay. Kailangang piliin nating sambahin ang Manlilikha sa halip na ang nilikha.
Isuko ninyo ang inyong mga anak sa Diyos at gumugol ng panahong kinakailangan upang mabunyag ang Kanyang balak para sa kanilang buhay.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com