Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 271 NG 280

BINABAGO NG PAGPAPALA NG DIYOS ANG LAHAT (BAHAGI I)

Nahihirapan ka bang tumanggap ng tulong mula sa iba? Napaparamdam ba nitong ikaw ay mahina, walang kakayahan o maaaring masaktan sa pagtanggap nito? Sa pagtanggap ng tulong kinakailangang bitiwan ang pag-asa sa sarili kahit panandalian lang. Kaysa sa posibilidad na masaktan, mas gusto ng marami sa atin na magtago sa likod ng maskara ng lakas ng loob at kakayahan.

Ngunit nakakalungkot, naaapektuhan nito ang relasyon natin sa ating mga anak. Paminsan tila napakatatag natin na tuloy nahihirapan ang mga anak natin na paniwalaang kailangan natin ng Tagapagligtas. Maaari nating isipin na tamang magpakatatag tayo, ngunit kung bigo tayong aminin ang ating mga pangangailangan at kahinaan, mas malamang na mag-atubili ang ating mga anak na ipaalam din ang sa kanila. Maaari nilang isipin na hindi sapat ang kanilang kakayahan kung ihahambing sa iba at mapilitang magtago sa likod ng kanilang mga maskara.

Hingin sa Diyos na ipakita kung saan umaasa ka sa sarili mo kaysa Kanya at tandaan na madalas tinutugon Niya ang ating mga pangangailangan sa pamamagitan ng iba.

Magbakasakali ngayon at pahintulutan ang iba na matulungan ka—maaaring ng isa sa iyong mga anak pa!

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com