Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

MGA MANDIDRIGMA SA PANALANGIN
Sino ang iyong mga kapwa mandirigma sa panalangin ukol sa pagmamagulang? Isa sa mga benepisyo ng pamayanang Cristiano ay ang pribilehiyo na maipanalangin ang mga kapwa magulang at ang tayo ay maipanalangin din nila. Nakakalungkot nga lang na may mga taong ginagamit ang panalanginang ito upang husgahan ang kakayahan ng iba sa pagmamagulang. Ilang ulit lang maranasan ito ng isang tao ay maaaring ihinto na lamang niya ang pagpapakatotoo. Kapag nararamdaman natin na tayo ay hinuhusgahan, nagsisimula tayo na ihambing ang sarili sa iba at magtago sa likod ng mga katanggap-tanggap na maskara. Kay lungkot na pangyayari!
Bilang mga magulang na mananampalataya, kailangan natin ang isa't isa. Maaring hindi madali, ngunit hanapin mo ang tao na maaari kang maging "totoo" sa pagbabahagi ng iyong mga pagsubok sa pagmamagulang. Ang panalangin ay makapangyarihang sandata sa baluti ng mananampalataya upang maipamagitan ang iba sa kanilang laban kay Satanas. Huwag hayaan na ang pagkahilig sa kayabangan na husgahan ang iba o takot sa kanilang paghuhusga ang makahadlang sa iyo na mapakinabangan ang kapangyarihan ng sama-samang panalangin.
Humanap ng isang grupo ng mga magulang na sasama sa iyo sa pakikipaglaban sa pamamagitan ng panalangin.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com
Mga Kaugnay na Gabay

12 Malalaking Pagkakamali na Maaaring Maiwasan ng mga Magulang

Masayahin ang ating Panginoon

Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa Panalangin

BibleProject | Maikling Kurso tungkol kay Apostol Pablo

BibleProject | Bagong Kasunduan, Bagong Karunungan

Sa Paghihirap…

BibleProject | Mga Sulat ni Juan

Mag One-on-One with God

BibleProject | Walang-Hanggang Pag-ibig ng Diyos