Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 252 NG 280

PAGIGING ABALA

Kahit na abala ang mga alagad para sa Kaharian, nakita ni Jesus na kailangan nilang magpahinga at sinigurado Niya na maglaan ng sandaling pananahimik upang makapag-panibago ang kanilang katawan at kaluluwa. Isang dakilang aral para sa atin! Kapag ang ating mga araw ay sobrang abala, hindi tayo nagi-iwan ng puwang sa pagkakamali at anumang hindi inaasahang balakid ay pinalalaki. Nagdudulot ito ng di kinakailangang stress at maaring magdulot sa lahat ng pagkainis at pagod. Sa kulturang binibigyang-puri ang mga gawain, tagumpay, at "pagiging abala," maaaring mahirap gawing marahan ang ating mga buhay at buhay ng ating mga anak. Kinakailangan ng karunungan para isipin ang mga dapat unahin na mga gawain at itaya ang pakiramdam na "napag-iiwanan" ng karamihan. May mga pagkakataon ba kung saan ang buhay mo o ng iyong mga anak ay masyadong puno ng gawain?

Gawing priyoridad na maglaan ng oras para sa pagpapahinga at pagre-relax para sa lahat sa iyong pamilya kasama na ang iyong sarili!

Banal na Kasulatan

Araw 251Araw 253

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com