Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 255 NG 280

MASAYA SA KALUNGKUTAN?

Sinasabi sa atin ni Pablo na kapag ang kalungkutan ay nagbubunga ng pagsisisi at pagbabago, marapat tayong magalak. Isipin mo ito. Maaari tayong magalak sa gitna ng kalungkutan dahil alam natin na ito ay bahagi ng plano ng Diyos para sa kaligtasan at kabanalan ng ating mga anak. Gumagawa ang Diyos sa kanilang mga buhay.

Kaya lang, minsan, kapag binabalewala nila ang aking payo at pinagdurusahan ang ibinunga ng kanilang maling pagpili, gusto kong magalak dahil "tama" ako. Gusto kong sabihin ang, "Sabi ko na sa'yo eh," dahil makasarili ang aking motibo. Gusto kong maituring na siyang eksperto sa pamilya.

Sa halip na hayaang gumawa ang Diyos, sumasagabal ang aking kayabangan at nagiging sanhi ng kabiguan at galit sa aking mga anak. Kinakailangan ko ng pagpipigil sa sarili upang hindi ako makasagabal sa ginagawa ng Diyos dahil sa lalong pagdidiin ng mga masasakit na aral gamit ang mga pananalitang dumadakila sa aking saril.

Magtiwala sa Diyos. Hayaan ang Kanyang mga parusa ang umakay sa iyong mga anak tungo sa pagsisisi sa halip na ulit-ulitin ang kanilang mga pagkakamali at paalalahanan sila ng iyong "karunungan".

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com