Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

PANGHIHIYA SA MARUNONG?
Sa kasalukuyang kultura, mahirap na katuruan ito para sa mga magulang! Hangad natin na maging marunong ang ating mga anak ayon sa pamantayan ng tao kaya't tingnan na lamang ang pagbibigay-diin natin sa mga grado, mga puntos sa pagsusulit at sa pagpasa ng eksamen para makapasok sa kolehiyo bilang sukatan ng tagumpay at halaga. Ipinagdiriwang natin ang mga tagumpay na naglalagay sa kanila sa mga posisyon ng impluwensiya tulad ng cheerleader, konseho ng mga mag-aaral o kapitan ng koponan. Maaring naiinggit tayo sa mga oportunidad na meron ang ibang mga bata dahil sa yaman ng kanilang pamilya o katayuan sa lipunan.
Habang tinatawag tayo ng Diyos na gamitin ang ating mga isip para sa matalinong mga pagpipili, walang kaalaman ng tao ang kayang pumalit sa ginawa ni Cristo sa krus. Salungat sa karaniwang iisipin, ang tunay na lakas at karunungan ay makikita sa pagsuko ng ating mga pagmamalaki at paglapit sa Diyos nang may kapakumbabaan at kahinaan.
Turuan ang iyong mga anak ng tunay na lakas na nagmumula sa pagpapasakop sa Diyos at sa pagpapakumbaba sa iba.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com