Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 249 NG 280

MGA MATAGUMPAY

Habang pinapalaki ang ating mga anak, tuloy-tuloy ang pakikipaglaban na mapanghawakan ang katotohanan ng mga salitang ito. Sa gitna ng ating mga takot at alalahanin, pinag-iisipan natin kung paano mangyayari ang mga pangakong ito sa ating araw-araw na buhay. Kaya bang manaig ng pag-ibig ng Diyos kapag nagkakaroon ang ating mga anak ng mga damadaming tila angat sila sa iba, kabiguan o pagkasira ng loob? Paano tayo makakasigurong magtatagumpay habang nakikita natin ang ating mga anak na nakikipaglaban sa panggigipit ng iba na makisama, pag-abuso sa droga o sekswal na imoralidad?

Ang sagot, siyempre, ay magtiwala sa Diyos! Kaya nating magtagumpay anuman ang mapagdaanan natin at ng ating mga anak kapag pinili natin na manalig sa Kanyang karunungan at mga pangako. Kapwa simple at mahirap tanggapin ang kapayapaang ito dahil kailangang natin na isapalaran na manampalataya sa Kanya.

Kapag nahaharap sa takot at pag-aalinlangan, sadyaing piliin na ilagay ang pananampalataya sa mga pangako ng Diyos.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com