Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

MGA ANGHEL
Sa mundong nagbibigay ng halaga sa mga bagay na namamasdan at nahahawakan, madaling makalimutan na nagbigay ang Diyos ng mga anghel para sa ating proteksyon. Hindi man natin sila nakikilala, nariyan sila. Maraming mga halimbawa ng pagpapakita ng mga anghel sa Biblia: kay Daniel sa kulungan ng mga leon (Dan. 6:22), kay Jesus sa ilang (Marcos 1:12-13), kay Jesus sa Bundok ng mga Olibo. (Lucas 22:43), at kay Pablo habang nasa barko sa gitna ng bagyo (Mga Gawa 27:23).
Sinabi sa atin na ang mga anghel sa langit ay nagagalak kapag ang isang makasalanan ay tumatalikod sa kasalanan (Lucas 15:7, 10). Sinasabihan pa tayo na ang ating mga anak ay may mga anghel sa langit na nakikita ang mukha ng Diyos (Mat. 18:10). Napakalaki ng naidudulot na lakas ng loob sa mga magulang!
Balang araw sa langit ay matututunan natin ang lahat ng mga ginawa ng mga anghel para sa ating mga pamilya, ngunit hanggang sa mangyari iyon, maaari tayong magtiwala na sila ay gumagawa para sa ating kapakanan.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com
Mga Kaugnay na Gabay

12 Malalaking Pagkakamali na Maaaring Maiwasan ng mga Magulang

BibleProject | Bagong Kasunduan, Bagong Karunungan

Sa Paghihirap…

BibleProject | Mga Sulat ni Juan

BibleProject | Maikling Kurso tungkol kay Apostol Pablo

Ang Kahariang Bali-baliktad

Mag One-on-One with God

Masayahin ang ating Panginoon

Prayer