Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 247 NG 280

BASE

Noong bata ka at naglalaro ng taguan, natatandaan mo ba ang pagkaripas mo papunta sa "base" para maligtas? Habang pumipintig ang adrenaline sa mga ugat mo, naging lubos kang nakatuon sa kanlungan na nasa harapan mo. Kapag naabot mo ang base, nakakahinga ka na nang maluwag at napapanatag. Ang bersikulong ito ay naglalarawan sa Panginoon bilang "base" sa kalangitan, isang matibay na tanggulan ng seguridad at pag-iingat.

Tumatakbo ka ba sa Diyos kapag nalulunod ka na sa mga pagsubok ng pagiging magulang? Napakadalas na sumasambit tayo ng madaliang mga panalangin habang tarantang sinusubukan na ayusin nang mag-isa ang mga problema. Sa totoo lang, mas pinagtitiwalaan natin ang ating mga sarili kaysa sa Diyos. Binibigyan tayo ng Diyos ng kaalaman at kakayahan, ngunit hindi nito kailanman mapapalitan ang gawin na isuko at halilihan ang ating karunungan ng sa Kanya.

Sa halip na magkunwari na kaya mong mag-isa, maging tapat sa Diyos tungkol sa iyong mga pag-aalinlangan at kinatatakutan. Alam naman na Niya ang mga iyon! Ang tunay na kapayapaan ay hindi matatagpuan kailanman sa ating mga sariling pagsisikap, kundi sa pagtitiwala sa Kanya na nag-iisang tunay na makapag-iingat sa atin.

Kapag ikaw ay naliligalig, tumakbo sa iyong base sa kalangitan at pumanatag.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com