Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

PANALANGIN PARA SA PAG-IINGAT
Dahil batid Niyang malapit na Niyang iwan ang mga alagad, nanalangin si Jesus para sa kanila bago Siya maipako sa krus. Napakagandang modelong tularan sa pananalangin para sa ating mga anak! Nabubuhay tayo sa mundong mapanganib at lubhang naiimpluwensiyahan ni Satanas, at maaaring ang inklinasyon natin ay hawakan sila nang labis na napakahigpit. Imbis na tulungan silang huwag nang palaging umasa sa atin at bagkus ay umasa sa Diyos, ang takot ay maaaring mag-udyok sa atin ng mga pasya sa pagmamagulang na lalong magpapalala ng pagsandig nila sa atin.
Kung may talagang nakaintindi ng realidad ng labanang espirituwal, si Jesus iyon. Ngunit ang Kanyang panalangin ay nagpakita ng pananalig sa pagkatao at kapangyarihan ng Diyos na pangalagaan ang Kanyang mga alagad. Sa tulad na paraan, maaari tayong maghandang "iwanan" ang ating mga anak sa pamamagitan ng paunti-unting pagbitaw sa kanila bawat araw. Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mga responsibilidad na naaangkop sa kanilang edad at sa pagpapahintulot na maranasan nila ang mga kahihinatnan ng kanilang mga pagpipili. Pananampalataya ang ipagkatiwala ang prosesong ito sa plano at pag-iingat ng Diyos kaysa piliing kontrolin sila dahil sa takot.
Isuko ang kontrol sa iyong mga anak sa Kanya na mag-iingat sa kanila.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com
Mga Kaugnay na Gabay

12 Malalaking Pagkakamali na Maaaring Maiwasan ng mga Magulang

Masayahin ang ating Panginoon

Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa Panalangin

BibleProject | Maikling Kurso tungkol kay Apostol Pablo

BibleProject | Bagong Kasunduan, Bagong Karunungan

Sa Paghihirap…

BibleProject | Mga Sulat ni Juan

Mag One-on-One with God

BibleProject | Walang-Hanggang Pag-ibig ng Diyos