Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 245 NG 280

PAGPAPAABOT NG BIYAYA

Kahanga-hangang mga salita! Bagama't maaaring nauunawaan natin ito sa ating kaisipan, maaaring mahirap pa rin sa atin tanggapin ang biyaya ng Diyos. Madalas. sinisikap nating maging "sapat na mabuti" dahil hindi natin maihiwalay ang ating halaga sa ating paggawa.

Upang maunawaan ang ginawa ni Cristo para sa atin sa krus, kailangan nating maging tapat patungkol sa kalubhaan ng ating kasalanan. Ito ay napakasakit ngunit kapag tunay na nating naranasan ang sukat ng biyaya ng Diyos, maaari natin itong maipaabot sa ating mga anak sa isang paraang magbabago sa kanilang buhay. Dahil batid natin na tayong lahat ay mga makasalanan na nangangailangan ng biyaya, maaari nating hayaang maranasan nila ang mga kahihinatnan ng kanilang mga pagpili nang hindi hinahatulan kung sino sila bilang mga tao.

Sundin ang halimbawa ng Diyos ukol sa biyaya sa pamamagitan ng pag-aalay ng pagmamahal na walang kondisyon sa mga makasalanan habang ipinatutupad ang parusa para sa kanilang kasalanan.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com