Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 244 NG 280

ANG MAS MADALING LANDAS

Si Adonias ay isang makisig at pinalayaw na anak ni David. Bunga ng maalwan na pagpapalaki sa kanya at sa katotohanang siya ang pinakapanganay na lalaking anak na nabubuhay, naramdaman niyang mas nararapat sa kanya ang trono ng Israel kaysa sa kapatid niyang si Solomon. Isang mahalagang bahagi sa pagbuo ng mapagmataas at makasariling pagkatao ni Adonias ay ang katotohanang bigo ang kanyang amang si David na papanagutin siya sa kanyang mga ginawa. Ang bunga? Pinamunuan ni Adonias ang isang paghihimagsik laban sa kanyang ama at pinagbayaran niya ito ng kanyang buhay.

Kailangan ng mga anak ng disiplinang may pagmamahal upang matutunan nila ang mga maka-Diyos na pagpapahalaga at karunungan. Ang kabiguang maipatupad ang mga kaparusahan ay nagpapalawig at nagpapalala ng mga makasalanang saloobin. Tulungang mahubog sa iyong mga anak ang integridad at mabuting pagkatao sa pamamagitan ng paglalaan ng panahon at lakas upang isakatuparan ang pagdidisiplina kapag kinakailangan.

Isa sa mga pinakamapagmahal na bagay na maaari nating gawin para sa ating mga anak ay ang papanagutin sila sa pamamagitan ng disiplina.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com