Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 242 NG 280

KATOTOHANAN AT MGA KASINUNGALINGAN

Madaling ipangatwiran ang mga makasalanang kaisipan at ugali kapag ang mga ito ay tumutukod sa ating mga makasariling layunin. Kung titingnan ang mga pamantayan ng ating kultura, ang maliliit na pagkompromiso ay tila maliit na bagay kung ihahambing. Bilang mga Cristianong magulang, paulit-ulit tayong hahamunin na huwag palitan ang katotohanan ng kasinungalingan. Maaaring mangahulugan ito ng pagsasabi ng "hindi" sa ating mga anak hinggil sa ilang mga pelikula, mga laro, at pananamit na tinatanggap ng ating lipunan.

Ang mga maka-Diyos na pamantayan ay maaaring mahirap tanggapin ng iyong anak, lalo na kung hangad nilang maging "cool" at tanggap ng kanilang mga kaibigan. Maglaan ng panahon upang pakinggan ang mga iniisip ng iyong mga anak tungkol sa nararamdaman nilang pamimilit na makiayon. Magtanong kung ano ang nangyayari sa kanilang mundo at huwag balewalain ang kanilang mga damdamin kapag kanilang ipinahayag ang mga ito. Sa halip na mag-sermon, kilalanin ang kanilang pagkadismaya kapag kailangan mong magsabi ng "hindi" sa ilang bagay na taliwas sa pamantayan ng Diyos. Mas madali para sa iyong mga anak na tanggapin ang iyong kapangyarihan kapag alam nila na sila ay tunay na pinakikinggan mo.

Manindigan sa mga pamantayan ng maka-Diyos na asal nang may kagandahang-loob at pagmamahal.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com