Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

MGA MANGGAGAYA
Ipinagpanagot mo na ba ang iyong anak sa isang bagay na ikaw mismo ay bigong gawin? Halimbawa, pinaparusahan mo ba ang iyong mga anak dahil sa matulin na pagpapatakbo ng sasakyan, ngunit patuloy kang matulin na magpatakbo ng sasakyan? Matindi ba ang parusahang ipinapataw mo sa pag-inom ng alak ng menor de edad mong anak, ngunit ang ipinapakita mong halimbawa ay isang taong kailangang uminom ng isang baso ng alak upang magtanggal ng pagod sa dulo ng araw? Sinasabi mo ba sa iyong anak na "makipag-usap nang maayos" sa iba ngunit naglalabas ka ng galit o pagkayamot sa mga paraang hindi maka-Diyos?
Mas lalakas ang impluwensya natin sa buhay ng ating mga anak kung gagawin natin ang sinasabi natin sa kanila. Bakit? Dahil alam ng ating mga anak kung tayo ay nagkukunwari lamang! Kapag tayo ay nagrereklamo na hindi nila tayo ginagalang, kailangang handa tayong tanungin ang sarili natin kung ang ating mga kilos at saloobin ay karapat-dapat sa kanilang paggalang.
Gusto mo bang gayahin ng iyong mga anak ang iyong pag-uugali?

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com
Mga Kaugnay na Gabay

12 Malalaking Pagkakamali na Maaaring Maiwasan ng mga Magulang

BibleProject | Bagong Kasunduan, Bagong Karunungan

BibleProject | Walang-Hanggang Pag-ibig ng Diyos

Nilikha Tayo in His Image

Masayahin ang ating Panginoon

Ang Kahariang Bali-baliktad

Sa Paghihirap…

Prayer

BibleProject | Mga Sulat ni Juan