Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

PAGTATATAG NG 'BAHAY'
Ang ating mga kilos at salita ay may kakayahang magtatag o magwasak. Siyasatin kung paano ka makipag-usap sa iyong mga anak. Natatagpuan mo ba ang sarili mong mas madalas nagsasabi ng hindi kaysa sa oo? Kapag lagi tayong tumatanggii sa ating mga anak, hindi natin sinasadyang nababawasan ang kanilang tiwala sa sarili at sa kanilang kakayahan. Madalas, iniisip natin na ang pagtanggi ay upang maprotektahan ang ating mga anak, samantalang ang sarili nating hangad na kontrolin sila ang totoong pinoprotektahan natin.
"Hindi" ang madaling isagot, ngunit kung kaya mong gawin nang may katapatan, subukan mong magsabi ng oo sa iyong mga anak hanggang maaari. Ang "oo" ay nagpapaabot ng mensahe ng pagtitiwala at pagpapalakas ng loob na mataimtim na hinahanap ng ating mga anak. Totoong nga na ang pagsasabi ng oo ay mas makakaubos ng oras at lakas, ngunit ang oo ay isang tugon na may pananampalataya dahil kakailanganin mong pagtiwalaan ang Panginoon. Magugulat ka na habang mas nagsasabi ng oo, mas handa ang mga anak mo na tanggapin ang iyong hindi.
Itatag ang iyong "bahay" sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kompiyansa at sa pagpapasigla ng lakas ng loob ng iyong mga anak.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com