Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

KALAKASAN MULA SA KAHINAAN
Habang nagpapalaki ng mga anak, may mga sitwasyon na magpaparamdam sa atin na kulang tayo dahil wala tayong magawa para "maayos" ang sitwasyon. Marahil ay nasaktan ang damdamin ng anak natin noong hindi sila inimbita sa isang salu-salo. Maaaring "ipinagpalit" sila ng sinisinta o kaya naman ay tinanggal sa pangkat ng mga manlalaro.
Isa sa pinakamalaking hadlang sa ating pagtitiwala sa Diyos ay ang pakiramdam na malakas tayo. Ang katotohanan ay hindi tayo kailanman magiging labis mahina para magamit tayo ng Diyos, ngunit maaari tayong maging labis na malakas. Kapag nakilala natin ang hangganan ng ating kontrol, mas madali nating matatanggap nang malugod ang ating pangangailangan sa Diyos.
Hayaan mong ang iyong kahinaan ay maging pagkakataon upang maituro sa iyong mga anak ang tunay na pinanggagalingan ng kalakasan at ang pagtitiwala kay Cristo.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com