Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 183 NG 280

ANG PAGTITIWALA SA DIYOS PARA SA ATING MGA ANAK

Iniutos ng Faraon na ang bawat lalaking sanggol na ipinanganak ng mga Hebreo ay itapon sa Ilog Nilo. Ipinanganak si Moises noong panahong iyon at, pagkatapos ng tatlong buwan, malinaw sa kanyang ina na hindi na niya siya maitatago pa. Isipin mo na lamang ang pagkabahala ng ina ni Moises nang iwan ang sanggol sa basket sa mga talahiban sa Ilog Nilo! Hindi niya alam kung ano ang hinaharap, ngunit binitiwan niya ang kanyang anak sa pamamagitan ng kanyang panananmpalataya sa Diyos.

May mga pagkakatong nagbibigay ng kakaibang kamalayan na binibitiwan din natin ang mga anak sa Diyos. Ang magpaalam at iwan sila sa unang araw ng kinder. Ang iabot sa kanila ang susi ng kotse upang makapagmaneho silang mag-isa. Ang masdan silang nakatayo sa altar at iukol ang buhay sa ibang tao sa pag-aasawa. Habang binibitiwan ang iyong mga anak, pakatandaan na may plano ang Diyos! Hindi palaging maginhawa ang daan, ngunit magtiwala sa Kanyang karunungan at walang hangganang mga layunin.

Pagtiwalaan ang Diyos, dahil ang totoo niyan sila ay Kanyang mga anak naman talaga.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com