Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 134 NG 280

PAGPAPALAKI SA KANILA

Ipinagkakatiwala ng Diyos sa atin ang mga bata upang maalagaan natin sila hanggang sa magkaroon sila ng sapat na gulang sa kanilang pag-iisip, sa kanilang damdamin at sa paglago ng kanilang espiritu. Ang ating layunin ay ang tulungan silang hanapin at matupad ang layunin ng Diyos para sa kanilang buhay at turuan sila tungkol sa katangian ng Diyos. Madalas nating iniisip ang pagsasanay at tagubilin bilang mga salita, ngunit maaaring magtapos sa pagkainis ng mga anak natin ang mga salita.

Ang balak ng Diyos ay maaaring may nakapaloob na mahihirap na panahon, at nararapat na turuan natin ang ating mga anak na ang isang malakas na pagkatao ay makakatulong sa kanila sa mga panahong iyon. Ang katangiang dapat nating ituro sa kanila na aangkinin nila ay ang katangian ni Cristo. Ang mga pagpiling kanilang ginagawa at ang mga bunga nito na kanilang hinaharap ay mga pagkakataon upang kausapin sila tungkol sa katangian ni Jesus. Hinahayaan tayo nitong tumuon sa nasa panloob na anyo ng bata sa halip na sa panlabas na pagkilos.

Tinatawag ito ni Chip Ingram na pagtuturo sa inyong mga anak ng "pagsasanay upang manatiling buhay," na may kaibahan sa paggugol ng iyong pagsisikap upang matiyak ang kanilang kaligtasan. Madalas, sinusubukan nating matiyak ang kanilang kaligtasan sa pamamagitan ng pagsasagip, pagsesermon o pakikialam, at ang mga anak natin ay lumalaking hindi handang harapin ang mundo nang hindi tayo kasama.

Muling tukuyin kung ano ang ibig sabihin ng pagsasanay at pagtuturo sa inyong mga anak tungkol sa katangian ni Cristo.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com