Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

GALITIN ANG INYONG MGA ANAK
Ang taludtod na ito ay puno ng tagubilin sa mga magulang. Ito ay kasunod ng sipi na nagtuturo sa mga anak na igalang at sundin ang kanilang mga magulang (Efe 6:1-2), at tinutulungan tayo nitong makita kung paano padaliin para sa ating mga anak ang sundin tayo. Ang susi ay ang iwasang sila ay galitin.
Ang salitang Griego na isinalin sa salitang "galitin" ay nangangahulugan ng pukawin ang galit o pagsiklabin sa galit. At ang pinakamabilis na paraan upang galitin ang isang anak ay ang pakialaman ang bawat kilos, itama ang kada maling hakbang, at punahin ang lahat ng bagay na kailangan niyang mas paghusayin pa. Ang mga batang kinukulit at sinisermonan ay sa sandaling panahon lang makakaranas ng damdaming siya ay bigo at madalas tutugon sa pamamagitan ng pagrerebelde, paglayo, o "pagkasira ng loob". Malakas ang inklinasyon natin sa sobrang pagtatama, madalas tuloy nauuwi tayo sa pag-aaway dahil sa maliliit na bagay na hindi naman mahalaga. Maaari tayong manalo sa pagtatalo, ngunit matalo sa digmaan kapag nakita natin ang ating mga anak na lumalayo sa atin.
Sa halip, subukang sabayan ang iyong mga anak sa paglakad nila habang buong pagmamahal mo silang hinahayaang maranasan ang bunga ng kanilang mga pagpipili. Ito ay higit na mas mabuting paraan upang makapaglikha ng isang kapaligiran kung saan mauunawaan at maaangkin ng bata ang layunin ng Diyos para sa kanyang buhay.
Piliin mo ang iyong mga laban at iwasang galitin ang iyong mga anak.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com