Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

DI PAGSANG-AYON
Sa pagsasalaysay ng kanyang pagbabagong-loob, ipinapaliwanag ni Pablo ang marahas na pagbabagong kanyang ginawa. Si Pablo ay naging isang taong hindi sumasang-ayon, sa kabila ng katotohanang ang kanyang hindi pagsang-ayon ay nagkakahalaga ng pagkawala ng lahat ng bagay na pinahahalagahan ng kanyang kultura.
Itinutulak tayo ng ating kultura patungo sa pagkakapare-pareho. Magsuot ng tamang kasuotan, magkaroon ng tamang trabaho, gumugol ng pera sa mga tamang bagay, at ikaw ay katanggap-tanggap. Ngunit, ang pagsang-ayon sa mundo ay nagtutulak sa ating isakripisyo natin ang ating pagiging hindi pangkaraniwan kay Cristo. Si Francis Asbury, ang unang obispo ng Simbahang Metodista sa Estados Unidos, ay minsang nanalangin nang ganito, "Panginoon, ipagkaloob mo pong hindi kailanman naisin ng mga kapatirang ito na maging katulad sila ng ibang tao."
May nakatagpo ka na bang taong nakahandang maging kung sino sila sa kalooban ng Diyos? Hinaharap nila ang panganib na batikusin ng mga taong pinapahalagahan ang pagsang-ayon, ngunit taglay naman nila ang lubos na kalayaan. Sila ay malaya mula sa pagkaalipin sa mga alituntunin ng kultura. Maaari silang maging mga nilalang na natutupad ang layunin ng Diyos sa kanila. Maaari nilang gamitin ang kanilang mga di-pangkaraniwang kaloob sapagkat batid nilang sila'y nasa kalooban ng Diyos.
Akayin ninyo ang inyong mga anak sa banal na di-pagsang-ayon.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com