Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 131 NG 280

PAGPAPASA NG KARUNUNGAN NANG MAY PAGMAMAHAL

Hindi ka magiging mabisang magulang sa pamamagitan lamang ng karunungan - ang kakayahang maipasa ang karunungang ito nang may pagmamahal ang makagagawa nito. Ang isang batang takot sa dilim at iniisip na may kung anong bagay na nagtatago sa ilalim ng kama ay malamang na hindi mapapaniwala ng isang pagpapaliwanag na taliwas sa pagkakaroon ng mga halimaw! Mas malamang na magkakaroon sila ng pakiramdam ng pagiging ligtas kung uupo ka sa tabi nila at sasamahan mo sila sa kanilang takot.

Gayundin, ang karunungan tungkol sa Biblia ay maaaring maging sandata kung ito'y hindi maibibigay nang may pagmamahal at pag-iingat. Madalas, ang mga berso ng Biblia ay naipapahayag sa pamamaraang naitatago ang tunay na layunin ni Jesus - ang maipakita sa atin ang Kanyang pagmamahal. Ang karunungan na inihahandog nang may pagmamahal ay nakakatulong sa mahinang mananampalataya na maging malakas.

Pag-usapan ang Biblia nang may saloobin ng pagmamahal, at malamang na tatanggapin ito ng iyong mga anak nang may pasasalamat.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com