Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

KAPANGYARIHAN SA KAPAKUMBABAAN
Marami sa atin ang labis na natutuwa sa kaisipan na magpalaki ng mga makapangyarihang bata. Nais nating magkaroon sila ng kapamahalaan sa kanilang mga kalagayan. Nais nating sila ang mauna, sila ang mangasiwa, at sila ang magpasya kung sino at ano ang mangyayari saan man at kung kailan. Sa kasamaang-palad, ang paghabol sa kapangyarihan nang walang kapakumbabaan ay maaaring magbunga ng kapahamakan. Ang mga batang naghahanap ng kapangyarihan para sa kanilang sarili ay maaaring maging mapagmataas, palalo, at walang-galang sa mga may kapangyarihan.
Ang mga Cristiano ay sinasabihan kung paanong magiging tunay na makapangyarihan sa pamamagitan ng pagpapakumbaba ng kanilang mga sarili sa Panginoon. Kapag ipinapakita natin ang nararapat na paggalang sa kapangyarihan ng Diyos, hinahayaan Niya tayong maging maimpluwensiya nang walang maliw sa buhay ng iba. Sinasabi ni Tim Kimmel na, "Ang tunay na kadakilaan ay hindi kapangyarihan ang layunin, ngunit kadalasan ay nakakakuha ito ng kapangyarihan nang hindi inaasahan." Ang laki ng impluwensya ng iyong anak sa kanyang pagtanda ay kasukat ng kanilang kakayahang maunawaan ang alituntuning ito bilang isang bata.
Turuan mo ang iyong mga anak ng kapakumbabaan at abangan mo ang paglago ng kanilang impluwensya.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com