Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 128 NG 280

MALUWALHATING PAGTITIIS

Sapagkat batid nating ang balak ng Diyos ay maghahatid sa atin pauwi sa langit, kaya nating tiisin ang paghihirap na ating daraanan. Sa katunayan, kung ang pagtitiis natin ngayon ay "magbubunga ng kagalakang walang hanggan at walang katulad" (2 Mga Taga-Cor. 4:17), maaari nating ituring ang pagtitiis na isang biyaya sa halip na sumpa. Ang mga taong hindi nananampalataya ay walang ganitong pananaw patungkol sa pagtitiis at kailangang makamit na ang kaluwalhatian ngayon, sapagkat ang kanilang kinabukasan ay walang hanggang paghihirap na malayo sa Diyos.

Hindi natin batid kung paano ang mangyayari sa langit, ngunit batid natin na ang paghihirap ngayon ay isang pagsasanay para sa ministeryo pagdating sa walang hanggang kinabukasan sa presensya ng Ama. Inihahanda tayo ng mga pagsubok para sa hinaharap - ito ang programa ng Diyos para sa walang hanggan.

Ituring mo ang mga pagsubok ng iyong pamilya bilang pagkakataon upang maluwalhati ang Ama at bilang pagsasanay para sa iyong kinabukasan.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com