Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

KAALIWAN PARA SA MGA MAGULANG NG MGA REBELDENG ANAK
Nararamdaman mo ba na habang pinipilit mong tulungan ang iyong mga anak, lalo naman silang lumalayo sa iyo? Inakay ng Diyos ang mga Israelita upang makawala sa pagkaalipin sa mga taga-Egipto ngunit patuloy silang sumuway sa Kanya. Kapag ang mga anak ay nagrerebelde, ipinapalagay ng mga magulang na sila ang dapat sisihin. Sinisiyasat nila nang mabuti ang mga desisyong ginawa nila bilang magulang at sinusuri nila kung saan sila maaaring nagkamali. Samantalang ang pagsusuri ng sarili ay mahalaga, kung minsan ay inaako natin ang labis na responsibilidad para sa mga pagpiling ginawa ng ating mga anak. Kapansin-pansin na bagama't ang Diyos ay isang magulang na walang kapintasan, LAHAT ng Kanyang mga anak ay nagrebelde!
Hindi ipinapangako ng Diyos na ang iyong paglalakbay bilang isang magulang ay walang magiging mga pagsubok, at ang ilan sa Kanyang mga anak ay nangangailangan ng higit na pagdidisiplina kaysa sa iba, ngunit maaari mong pagtiwalaan na Siya ay mabuti at didisiplinahin Niya ang mga minamahal Niya upang sila'y maging mas matuwid (Heb 12:5-11). Isuko ang iyong mga anak sa Diyos at magtiwala ka sa Kanya sa kahihinatnan nito.
Luwalhatiin ang Diyos sa iyong pagiging magulang at ipaubaya sa Kanya ang magiging bunga nito.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com