Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

KAGALAKAN SA PAGKABALISA?
Ang kabawasan ng pagkabalisa ay isang tanda na ang pagtitiwala natin sa Diyos ay lumalaki. Bakit? Kapag tayo ay tunay na naniniwalang ang Diyos ang may hawak ng lahat at ginagamit ang mabubuti at masasamang mga sirkumstansya upang mailatag ang kanyang perpektong plano, mararamdaman natin ang Kanyang kapayapaan. Higit lalo, dapat tayo ay naghihintay na may mangyayaring isang bagay na mahusay at maganda!
Ang pagdadalaga o pagbibinata ay nagdudulot ng malaking bahagi ng pagkabalisa sa ating mga anak. Ikinababahala nila halos lahat — mga kaibigan, kasuotan, itsura, kahusayan sa pagganap, at marami pang iba. Karamihan sa mga ito ay kaugnay sa kanilang paghahanap ng sariling pagkakakilanlan. Nais nilang tuklasin kung sino sila at kung sila ba ay katanggap-tanggap sa mga taong "mahalaga". Ang mga ito Salitang ito ay nagtuturo sa kanila sa kung ano ang gagawin sa pagkabahala — ialay ito sa Diyos at hayaan Siyang lutasin ito. Ang pagtitiwala sa Diyos ay nagdudulot ng kapayapaan. Maging huwaran ng prinsipyong ito at ituro ito sa iyong mga anak. Ito ang pinakamabuting regalong maibibigay mo sa kanila.
Turuan mo ang iyong mga anak na magalak sa kabila ng pagkabalisa, sapagkat maaari nilang ilagak ang kanilang mga ikinababahala sa Diyos at hayaan Siyang harapin o lutasin ang mga ito.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com