Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

KALAYAAN MULA SA ATING NAKARAAN
Tayo ay naglilingkod sa Diyos ng bagong simula, anong laking pag-asa niyan para sa mananampalataya! Paniniwalain tayo ng tukso sa mga kasinungalingan ni Satanas na taliwas sa sinasabi sa atin. "Paano ko didisiplinahin ang anak ko kung ako mismo ay gumawa ng parehong kasalanan?" Purihin ang Diyos na tayo ay lumalaya sa kasalanan kapag nagsisi tayo at humingi sa Diyos ng kapatawaran. Sa babasahin sa taas, ninais ni David na ipakita ng Diyos sa kanya ang Kanyang pamamaraan, kasama ang katotohanan, at ituro sa kanya ang Kanyang landas.
Hindi man nila kilalanin o sambitin, katulad din ng kay David ang nais ng mga anak natin. Ngayon, pasalamatan ang Diyos sa hindi nya pag-alala sa mga kasalanan mo noong iyong kabataan. Ipakita sa mga anak mo ang landas Niya sa pamamagitan ng sarili mong buhay. Turuan mo sila sa pamamagitan ng pagmamahal at pagdamay kung kinakailangan.
Sa pagsasabuhay ng katotohanang ito, matutulungan mo ang anak mo na mas maunawaan ang kanilang Ama sa langit, at malugod na maglakbay sa Kanyang pamamatnubay!

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com