Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 110 NG 280

PAGGALANG

May handang banal na tagubilin ang Diyos para sa pamumuhay, ngunit binigyan Niya rin tayo ng kalayaang magpasya dahil sa sapat Niyang pag-ibig. Nagpapahayag ang salmista ng kumpiyansa na ang Diyos ay may pinakamabuting hangarin para sa atin at ang kumpiyansang ito ang nagdadala kanya sa espiritu ng pagtitiwala, paggalang, at pagpapasakop sa kalooban ng Diyos.

Bagaman kadalasan ay batid natin kung ano ang pinakamabuti, maraming beses na pinipili pa rin ng ating mga anak na hindi tayo sundin. Ang totoong pagmamahal at pagmamalasakit ng magulang sa harap ng pagsuway ay kakandili sa uri ng paggalang na magiging sanhi upang mas maging handang magpasakop ang ating mga anak sa nakakataas sa kanila sa susunod na panahon. Ito ay totoong-totoo lalo na sa mga tinedyer.

Ipakita ang pagmamahal ng Diyos sa iyong mga anak at ang kanilang lumalagong paggalang ay magiging dahilan upang hangarin nila ang iyong pamamatnugot.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com