Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 109 NG 280

ANG PANGALAN NI JESUS

Kapag tayo'y nananalangin, madalas nagtatapos tayo sa mga salitang, "Sa pangalan ni Cristo ako'y nananalangin." Sa aklat ng Mga Gawa, binanggit ni Lucas ang "pangalan ni Jesu-Cristo" nang hindi kukulang sa 33 beses. Bakit napakahalaga ng "pangalan" ni Jesus?

Noong mga panahon ng Biblia, ang pangalan ng isang tao ay hindi lang isang pagkakakilanlan; ito'y nagpapahayag din ng kanilang pagkatao. Sa pagtawag sa pangalan ni Cristo, naaalala natin kung sino talaga Siya — ang Diyos ng hindi maaarok na pagmamahal. Inuutos sa Colosas 3:23 ang, "Anuman ang inyong ginagawa, gawin ninyo nang buong puso na parang sa Panginoon kayo naglilingkod at hindi sa tao." Ito'y tumutukoy din sa ating tungkulin bilang mga magulang! Kapag pinararangalan natin si Cristo sa pamamagitan ng ating mga salita, mga kilos, mga layunin, at sa ating mga puso, ang pagmamagulang natin sa ating mga anak ay nagiging karapat-dapat sa Kanyang pangalan!

Kapag ginagawa mo ang iyong tungkulin bilang magulang, ituring mo itong ginagawa "sa pangalan ni Jesu-Cristo." Makikita mo ang pagbabago na magiging kapaki-pakinabang para sa iyong buong pamilya.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com