Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 108 NG 280

PANGANGASIWA SA ORAS

Nais ng Diyos na ituon natin sa Kanya ang ating mga mata. Maraming libangan dito sa mundo, at maaari nating ipagpalit ang pagsunod natin sa kasiyahan dito sa lupa. Kapag ginagawa natin ito, mas natututo tayong maging kampante sa mas kaunti. Sa librong A Hunger for God ni John Piper, sinabi niya na "Kapag hindi tayo nakadarama ng matinding pagnanais para sa pagpapahayag ng kadakilaan ng Diyos, ito ay hindi dahil lango at kuntento na tayo. Ito ay dahil matagal na tayong nanginginain sa hapag ng mundo. Napuno na ang kaluluwa natin ng mga maliliit na bagay, kaya walang lugar para sa dakila."

Naririnig tayo ng mga anak natin na nagsasabing gusto nating sundin ang kalooban ng Diyos, at tinitignan nila tayo upang makita kung paano gagawin iyon. Maging ang iyong halimbawa ay isang malalim na relasyon kay Cristo na nakakatugon at nanghihimok sa iyo na hangarin ang Kanyang kalooban kaysa sa iyong sarili.

Lumapit sa masaganang hapag ng Diyos, kasama ng iyong mga anak!

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com