Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Pinili: Paalalahanan ang Iyong Sarili Tungkol sa Ebanghelyo Araw-arawHalimbawa

Chosen: Remind Yourself Of The Gospel Everyday

ARAW 7 NG 7

"'Yun na 'yun, tatapusin ko na lahat."





Lumitaw ang text na ito mula sa isang hindi kilalang numero sa telepono ng kaibigan kong si Ryan noong Martes, alas-8 ng gabi. Kauupo niya lamang noon sa sopa pagkatapos patulugin ang kanyang mga anak pagkaraan ng isang mahabang araw. 



"Paumanhin, ngunit sino ito?" sagot niya.



Ang pangalan niya ay Sarah. Napagtanto niya na mali ang numerong napadalhan niya ng text at humingi ito ng paumanhin.

 



"Sandali lang" tinext ni Ryan. "Makakatulong ako." 



Nagsimula silang magtext sa isa't isa sa humigit-kumulang na kalahating oras. Sinabi ni Sarah sa kanya ang kuwento nito. Ito ay isang trahedya. Ang huling sugat ay ang pakikipaghiwalay sa kanya ng kasalukuyang mapang-abuso niyang nobyo. Patuloy na sinubukan ni Ryan na ipaalam kay Sarah ang tungkol sa pag-ibig ni Jesus at ang kanyang halaga sa Diyos sa kabila ng lahat ng narararamdaman niya. Sinabi niya rito na huwag ibase ang kanyang buhay sa opinyon ng isang dalawampu't dalawang-taong lalaki. 



"Huli na" tinext ni Sarah, "kauubos ko lang ng isang bote ng tabletas." 



Pinakiusapan siya ni Ryan na sabihin sa kanya kung nasaan siya. Sinabi niyang pupuntahan nila ng kanyang asawa ang kinaroroonan niya upang dalhin siya sa ospital. Sinabi sa kanya ni Sarah, at dali-dali nilang dinala ito sa ospital, kung saan kaagad na ginamot si Sarah at naisalba ng mga doktor ang kanyang buhay. 



Sa mga sumunod na buwan, unti-unting nabuksan ang mga mata ni Sarah upang makita kung gaano siya kahalaga kay Cristo. Sa isang Cristianong Unibersidad pa nga siya nag-aral upang sundin ang plano ng Diyos para sa kanyang buhay. Siya ay tinubos ng Diyos; kinuha Niya ang isang buhay na wala nang halaga sa mundo—at maging sa kanyang sarili—at binago ang lahat. Siya ay karapat-dapat na pag-alayan ng buhay. 



Habang ang isang kaibigan ay kumukuha ng isang MBA sa pagnenegosyo, binigyang-diin ng kanilang propesor ang isang mahalagang konsepto sa kanilang kaisipan: Ang halaga ng isang bagay ay nakikita sa kung ano ang ibabayad dito ng bibili. 



Ang halagang ibinayad para sa ating katubusan ay ang dugo ni Jesu-Cristo, ang Anak ng Diyos. Mayroon pa bang mas hihigit dito? Mayroon pa bang mas magbibigay sa iyo ng ganitong halaga? 



Araw-araw tayong nakikibaka sa laban na ibase ang ating halaga sa halagang ibinayad ng Diyos para sa atin. Bawat isa sa atin ay may iba't ibang pananalapi na ginagamit sa pagsukat ng ating halaga. Ginagamit natin ang pananalapi ng mga nagawa o nakamit na bagay, pamilya, panlabas na anyo, kayamanan, pinagmulan, edukasyon, kakayahan sa pangunguna, bilang ng impluwensiya, o "punan ang patlang." 



Ang mga tao ay maaaring taimtim na nagsusumikap na ipakita ang kanilang halaga o namumuhay sa depresyon dahil nararamdaman nilang wala silang halaga. 



Ito ay isa sa mga mas makapangyarihang epekto ng pagbabahagi ng Ebanghelyo sa iyong kaluluwa. Pinaaalahanan mo ang iyong kaluluwa sa halaga nito kay Cristo sa pamamagitan ng pagpapaalala sa iyong sarili sa malaking halaga na ibinayad para lamang sa iyong katubusan. 


Banal na Kasulatan

Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Chosen: Remind Yourself Of The Gospel Everyday

Anong mangyayari kung sa paggising mo araw-araw ay paaalalahanan mo ang sarili mo tungkol sa Ebanghelyo? Ang 7-araw na debosyonal na ito ay naglalayong tulungan kang gawin ito! Ang Ebanghelyo ay hindi lamang nagliligtas ...

More

Nais naming pasalamatan ang Think Eternity sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: https://www.thinke.org

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya