Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Pinili: Paalalahanan ang Iyong Sarili Tungkol sa Ebanghelyo Araw-arawHalimbawa

Chosen: Remind Yourself Of The Gospel Everyday

ARAW 4 NG 7

Isang lokal na simbahan ang nagtungo sa isang paglalakbay na misyon upang magtayo ng simbahan sa isang malayong nayon sa Russia. Sila ay bumubuo ng bahay sambahan mula sa mga bato ng isang abandonadong kulungan ng mga Ruso. Napakamakapangyarihang tanawin! 



Maingat na pansin ang itinuon sa pagpepreserba ng mga bato. Habang tinatanggal ang isa sa mga malalaking bato, kanilang natuklasan ang isang hungkag na bato na may kasamang kanister; sa loob ng kanister ay may isang dali-daling isinulat na tala: "Kami ay isang grupo ng Mga Cristiano na pinilit ng mga Komunista na kunin ang mga bato ng aming simbahan at bumuo ng isang kulungan kung saan kami mananatili hanggang sa kami ay mamatay. Aming dalangin na isang araw ang mga batong ito ay muling gagamitin sa paggawa ng isang simbahan." 



Nang si Cristo ay muling nabuhay, pinili Niyang unang ihayag ang Kanyang sarili kay Maria Magdalena. Sa mga panahong iyon, ang patotoo ng isang babae ay hindi binibigyang-halaga. Ngunit pinili ni Jesus ang isang mahirap na minoryang babae bilang Kanyang unang saksi, ipinakikita na ang isang minoryang babaeng dala ang pinakadakilang balita sa mundo ay kayang ibagsak ang pinakamalaki at pinakadominanteng imperyo sa kasaysayan ng sangkatauhan. At ngayon, ang kaharian ng Diyos ay lumalago nang libo araw-araw, mga lalaki at mga babaeng ipinangangako ang kanilang buhay kay Cristo, habang ang kaharian naman ng Mga Romano ay namamalagi sa mga lugar ng pagkasira. 



Ang kuwento ng Ebanghelyo ay isang kuwento ng mga ordinaryong tao na nakakasaksi at nakakaranas ng hindi pangkaraniwang kapangyarihan ng muling pagkabuhay. Tuwing nararamdaman mong ikaw ay mahirap at walang kapangyarihan, ang muling nabuhay na si Cristo ay tumatayong handa upang ihayag ang Kanyang kapangyarihan sa pamamagitan mo. Lahat ng mga lugar sa buhay mo na nakararamdam ng walang kahalagahan ay siyang tiyak na hinahanap ni Cristo upang gawan ulit ng himala ng muling pagkabuhay. 



Ginawa ni Cristo ang pinakadakila Niyang mga himala kasama ang mga pinaka-ordinaryong tao, sa hindi gaanong mahahalagang bayan, sa mga pinaka-ordinaryong oras. Ang karamihan sa mga himala ay hindi ginawa sa templo ng Jerusalem ngunit sa mga dakong labas ng maliliit na bayan. Kung ikaw ay nasa isang hindi kapansin-pansing lugar, maaaring ikaw ay mismong nasa perpektong lugar upang pagdaluyan ng muling pagkabuhay na kapangyarihan ng Diyos. 



Kapag nagsimula kang magbahagi ng Mabuting Balita nang buong puso araw-araw, magsisimula kang makakita ng muling pagkabuhay sa pinaka-normal at karaniwang mga araw, lugar, at tao. 


Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Chosen: Remind Yourself Of The Gospel Everyday

Anong mangyayari kung sa paggising mo araw-araw ay paaalalahanan mo ang sarili mo tungkol sa Ebanghelyo? Ang 7-araw na debosyonal na ito ay naglalayong tulungan kang gawin ito! Ang Ebanghelyo ay hindi lamang nagliligtas ...

More

Nais naming pasalamatan ang Think Eternity sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: https://www.thinke.org

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya