Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Pinili: Paalalahanan ang Iyong Sarili Tungkol sa Ebanghelyo Araw-arawHalimbawa

Chosen: Remind Yourself Of The Gospel Everyday

ARAW 3 NG 7

Isa sa mga pangunahing pamamaraan kung paano natin masasanay ang ating kaluluwa upang mahalin ang Diyos ay sa pamamagitan ng pangangaral ng Ebanghelyo sa ating mga kaluluwa. Habang lalong nakikita ng iyong kaluluwa ang krus ni Jesus, lalong nag-uumapaw ang pagpapasalamat at pagsamba sa kaloob-looban mo. Iyan ang nakagawiang tugon ng tao sa sakripisyo. At napakahirap nang makaisip pa ng mas matinding sakripisyo kaysa sa sakripisyong ginawa ni Jesus.



Kung ikaw ay maglilibot sa mundo, isang parirala ang matatagpuan mo sa tuwina—sa lahat ng uri ng kultura—ang pamilyar na linya mula sa Mga Awit 103:1 "Si Yahweh ay papurihan, O aking kaluluwa!"



Isa-isahin natin ang sinasabi ng pariralang ito. Sinasanay ni David ang kanyang kaluluwa sa pamamagitan ng pangangaral dito. Sinabi ni David sa kaluluwa niya kung ano ang dapat niyang maramdaman at kung ano ang magiging tugon niya sa Ebanghelyo: Kaluluwa, papurihan mo ang Diyos, gusto mo man ito o hindi. Hindi lamang siya umaawit ng isang magandang linya; kinakausap niya ang kanyang sarili, hinahamon niya itong kumilos. Inilalarawan ng Banal na Kasulatan ang mga gawing ito, at sinasabi, "Pinalakas ni David ang kanyang loob sa Panginoon" (1 Samuel 30:6, Rtpv05).



Tunay ngang nawawala na ito sa Buhay Cristiano, ang napakagandang pagsasanay na ito. Sa halip na makinig tayo sa ating nararamdaman sa kasalukuyan, sa pabago-bagong kultura, sa mga taong nakapaligid sa iyo, o, ang mas nakapanlulumo, sa social media, kausapin mo ang iyong kaluluwa at sabihan mo itong tumingin sa krus, sa muling pagkabuhay. Utusan mo ang iyong kaluluwang uminom mula sa kabutihan ni Cristo, na pinasan ang bigat ng iyong kasalanan sa Kanyang nasaktan at nasugatang mga balikat. 



Kung minsan, kailangang pilitin mo ang iyong kaluluwang gawin ito. Sumigaw si Juan na Tagapagbautismo ng, "Tumingin kayo!" o "Pagmasdan ninyo!" sinabi niya, "Tingnan ninyo, siya ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan." (Juan 1:29). Ito ay isang pang-araw-araw na kautusan. Kailangan nating tumingin! Pagmasdan ang krus kung saan naging matindi ang pagdurusa ni Jesus para sa kasalanang hindi Niya ginawa upang maaari kang magalak nang lubos sa katuwirang hindi marapat sa iyo. 



Ang Ebanghelyo ay nagiging pang-araw-araw na pagkain para sa kaluluwa, ito ay nagpapalakas sa ating mga puso. Mas mahirap magreklamo, kaawaan ang sarili, o mapuno ng pag-aalala kapag nakikita ng ating mga kaluluwa ang dugong dumadaloy dahil sa koronang tinik na nakatusok sa ulo ni Cristo. Ang pagpapasalamat ay kusang nag-uumapaw sa ating mga puso kapag ito ay ginagawa natin sa buong araw. 


Banal na Kasulatan

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Chosen: Remind Yourself Of The Gospel Everyday

Anong mangyayari kung sa paggising mo araw-araw ay paaalalahanan mo ang sarili mo tungkol sa Ebanghelyo? Ang 7-araw na debosyonal na ito ay naglalayong tulungan kang gawin ito! Ang Ebanghelyo ay hindi lamang nagliligtas ...

More

Nais naming pasalamatan ang Think Eternity sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: https://www.thinke.org

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya